Actor, nagpuslit ng alak sa lock-in shooting; palihim na kainumang co-actor, masama palang malasing kaya nagwala sa set

Actor, nagpuslit ng alak sa lock-in shooting; palihim na kainumang co-actor, masama palang malasing kaya nagwala sa set

Bukod sa bawal lumabas sa bubble kapag naka-lock-in shoot or taping, isa sa mga rules ngayon ng mga productions ang ipagbawal din ang mga alcoholic drinks.

Bilang na bilang kasi ang araw ng isang scheduled lock-in shoot, depende sa proyekto. Kapag teleserye, kadalasan ay one month sa loob ng bubble. Pag pelikula, maximum na ang two weeks. Kaya bawal na bawal ang aberya.

Pero sa lock-in shoot ng isang pelikula, may isang male star (actor No. 1) ang nakapag-puslit ng tequila. May anxiety kasi ito kaya malamang ay pampa-kalma niya ang alak.

Kaso, kung sa kanya ay kalma ang epekto ng nasabing alcoholic drink, kabaligtaran noon ang epekto nito sa isa pang male co-star (actor No. 2) na palihim niyang binahaginan ng ginintuang alak.

Ayon sa amin source, nagpaka-“pain in the a_s” daw sa set si male star No. 2 at halos masira ang diskarte ng director sa proyekto. Kahit daw hindi pinaiiyak ay umiiyak ito. And worst, nangangalampag daw ng mga namamahingang co-stars sa kuwarto. Muntik na nga raw masuntok ito ng isa pang co-actor, pinigilan lang ng mga kasamahan at production staff.

Ayon pa sa aming source, kinausap ng direktor ang tequila bearer, si actor No. 1, at tinanong kung bakit naman nandamay pa siya ng makaka-lasingan?

Siya pa lang daw ay problema na sakaling magka-hang over siya, namigay pa siya sa iba? Ayon tuloy, masama palang malasing si actor No. 2 kaya ang nananahimik na set, nabulabog.

Super deny daw si actor No.1 na binigyan niya ang alak si actor No. 2. Napa-iling nalang daw ang director dahil alam niyang nagsisinungaling sa kanya ang kausap. Hindi alam ni actor No.1 na huling-huli ng CCTV ang palihim na pag-aabot niya ng shots ke actor No. 1 sa hallway ng tinitirhan nilang venue.

Malamang ay last project na ito ng dalawang aktor sa mapagtimping direktor.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.