Aktor, nagpasama pa sa TV boss para magpa-alam sa nanay ng singer-actress na manliligaw siya sa anak nito

Aktor, nagpasama pa sa TV boss para magpa-alam sa nanay ng singer-actress na manliligaw siya sa anak nito

Kung minsan, epektib din talaga ang mga tuksu-tuksuhan sa set ng mga TV shows at pelikula dahil talagang nagkaka-develop-an ang mga pinagpa-pares.

In this case, matagal na ring nai-si-ship sa isa’t isang ang potential new pair na ito—isang network leading man at isang singer-actress—dahil may angking chemistry ang onscreen tandem nila. Kaso lang, may karelasyon ang lalaki.

Pero nang mag-break na si guy with his taga-showbiz ding girlfriend, lalong sinipag ang mga nagsi-ship sa dalawa.

At tila nagbunga na dahil kapansin-pansing iba ang tinginan at mga da moves ng dalawa sa huling proyektong pinagsamahan nila.

Na-fall na si binata sa dalaga and muka namang vice versa.

At ang huling balita naming ay naglakas-loob na ang binata na magpa-alam sa ina ng dalaga—na kilala sa pagiging protective sa kanyang anak kahit nasa sapat na gulang na ito.

At dahil may fear factor si guy, nagpasama pa umano ito sa isa sa mga lady bosses niya sa network na pinagta-trabahuhan nang bumisita ito sa bahay ng singer-actress. Nagpa-backer, kumbaga.

Ang tanong lang ay kung pumayag kaya ang nanay?  Balita kasing maselan ito sa mga manliligaw ng anak. Pogi, matikas, at stable naman si network leading man. Hindi nga lang ito kasing sikat ng ibang matinee idols. Ewan lang kung pasado ito sa mga criteria ng madir.

Nakatulong kaya ang presence ng boss na boss din ng singer-actress.

At sakali namang disapproved, kanino daw kaya makikinig ang singer-actress kung sakali? Sa nanay niya o sa puso niya?

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.