Nagkatampuhan ng slight ang isang mag-manager-talent kamakailan.
Sa sobrang pagka-in-love kasi ni versatile male actor sa equally versatile niyang actress girlfriend, may mga obligasyon siyang nakakalimutan.
Nag-hit kasi ang tandem nilang mag-dyowa. At nagkataong enterprising ang manager ni actress. Naisip nitong ipag-produce ng show ang mag-dyowa. Naging game ang mag-dyowa na sa sobrang excitement yata, nakalimutang magpa-sintabi sa manager ni actor.
S’yempre, sa POV ni manager ni aktor, business is business. Kung may show na involved, dapat hindi basta umo-oo si actor nang hindi idinadaan sa manager niya. Kahit pa nga naman mag-dyowa sila, hindi sila dapat nangba-by pass.
May pagkakamali doon ang mag-dyowa dahil kumilos sila nang hindi ini-involve ang manager ni aktor, gayung involved ang manager ni actress. Pero mas lapastangan ang manager ni actress dahil bilang manager din, dapat siya mismo ang nakipag-usap sa kapwa niya manager para ilatag ang plano niya.
Kung tutuusin, pwedeng harangin ni manager ang show pero hindi niya ginawa. Tinalakan nalang niya nang bongga ang alagang aktor na sincere naman daw nag-apologize.
MORE PIKABOO:
Bonggang project ni male star, hindi na matutuloy dahil sa pangne-nega ng dyowa