Aktres, kumpirmadong may attitude problem

Aktres, kumpirmadong may attitude problem

Hindi naniniwala ang mga empleyado at may-ari ng isang nail salon na may attitude problem ang isang TV-movie star na matagal nang napapabalitang nega ang pag-uugali. Kaya naman nang tawagan sila ng isang magazine para gawin ang mga daliri ni aktres—dahil nag-request daw si aktres na i-manicure at at i-pedicure muna siya bago mag-pictorial—ay agad silang um-oo.

May benefit of the doubt din ang isang make-up artist na first time ding makaka-trabaho ang said nega actress. Excited rin si makeup artist na gawin ang lovely face ni aktres.

Ang siste, imbiyerna pala si aktres dahil hindi ang hiniling niyang make-up artist na nakuha para sa photo shoot. Tila may conflict sa schedule ng first choice make-up artist.

Come day ng photo shoot, namuti ang mata ng lahat sa kakahintay sa aktres na gabi na dumating sa shoot. Super late na nga, pina-obvious pa agad nito na may sumpong siya.

Ang kawawang second-choice make-up artist, nagdusa sa pagka-feelingera ni aktres. Dahil kahit nagpa-make-up daw ito sa kanya ay pilit naman daw binabago ni aktres ang gawa niya at harapang pinaparamdam na ayaw niya sa gawa ni second-choice make-up artist.

Pero ang talagang naging casualty sa araw na iyon ay ang mga manikuristang pinadala ng nag-sponsor na nail salon. Dahil wala na nga sa mood si aktres, dineklara nito na ayaw na niyang magpagawa ng kuko. Walang paki si aktres kahit maghapon siyang hinintay ng mga manikurista.

Wala ring paki si aktres kung nahu-hurt niya ang feeling ni make-up artist tuwing nire-redo niya ang ginawa nito.

Of course, pinag-usapan siya nang bongga ng mga pobreng nilalang. Wala na silang pag-aalinlangan ngayon sa napapabalitang kamalditahan ni aktres. Dahil hindi na balita ito ngayon sa kanila kundi isa nang katotohanan bilang na-experience nila mismo. Confirmed na confirmed daw pala. Nagbubunyi tuloy sila tuwing may magpa-flop na pelikula si aktres.