Aktres na feeling Hollywood star sa mga kakaibang demands, nilaglag nalang sa isang bonggang teleserye

Napag-alaman pa ng source namin na hindi pala ito ang first time na humiling ng mga pambihirang demands ang aktres. May dapat palang gagawin ito na isang show na siya ang isa sa hosts. Pero dahil sa mga demands nito kaya hindi na lang tinuloy ang show. Mas mahal pa raw kasi ang budget ng mga demands niya kesa sa buong budget ng show.

Illustration: Sych Ancheta

Dahil sa mga pambihirang demands ng isang aktres, tuluyan na siyang pinalitan sa isang bonggang teleserye.

Hindi raw maintindihan ng mga taga-production kung ano ang sumapi sa aktres at feeling nito ay Hollywood star siya. Naloka raw ang mga taga-prod sa listahan ng demands na binigay nito noong mag-story conference and prod team via Zoom.

Kuwento ng aming source: "Out of town kasi ang aktres kaya ang mahaderang manager nito ang naki-zoom sa production team ng teleserye. Nag-email daw ng listahan ang aktres sa mga taong involved sa teleserye at sana raw ma-meet ang demands niya ayon sa manager. 

"Jusko naman, parang may pantasya ang aktres na nasa Hollywood siya. Nag-demand ito ng sariling tent niya sa location. Wala raw ibang puwedeng pumasok sa tent niya kundi ang kanyang make-up artist, stylist at mga personal na bisita. Bawal ang basta na lang daw papasok para sabihan siya na magmadali. Dapat ay i-text daw sa road manager niya ang mga ito. Kailangan din daw na may fresh flowers sa tent niya kapag taping. May specific na brand ang mineral water niya at ang pagkain niya ay dapat daw sa isang chef-friend niya o-order-in. 

"Siyempre, nagtaas ng kilay ang mga taga-production. Kelan pa raw nauso ang magbigay ng listahan ang mga artista nila? Marami na raw silang nakatrabaho na mas malalaking pangalan na artista kesa sa aktres, pero never silang nagreklamo o nagbigay ng demands sa production. Ano raw ba ang tinira ng aktres at parang nag-iilusyon itong nasa Hollywood siya?"

Dahil sa listahan na iyon, isang big fat "NO" ang sinagot ng production sa kanyang manager at nag-thank you na lang sila dito. May iba na lang daw silang kukunin na hindi magiging dahilan ng paglobo ng budget ng production.

Dagdag pa ng aming source: "Heto ang mas nakakalokah. Willing daw na magtanggal ng ilang items sa listahan ang manager ni aktres. Gusto raw kasi nila ang project kaya puwede silang mag-adjust. Pero sey ng production, walang dapat na mag-adjust. Ilang teleserye na ang ginawa ng aktres at alam niya ang mga nagaganap kapag nasa location taping. Walang dapat pagbigyan na mga ilusyon. Ang hanap ng production ay team player. 'Yung madaling makatrabaho at hindi magdadala ng sakit ng ulo sa mga taong nagtatrabaho."

Napag-alaman pa ng source namin na hindi pala ito ang first time na humiling ng mga pambihirang demands ang aktres. May dapat palang gagawin ito na isang show na siya ang isa sa hosts. Pero dahil sa mga demands nito kaya hindi na lang tinuloy ang show. Mas mahal pa raw kasi ang budget ng mga demands niya kesa sa buong budget ng show.

YOU MAY ALSO LIKE:

Aktres, palihim na lumipat ng bahay para iwasan ang ex-partner na pumupuslit para maghakot ng gamit

Breadwinner na sexy actress, hirap pagkasyahin ang kinikita; pamilya, sana tumulong na

Malamyang female TV host, na-threaten mapalitan matapos ma-memo-han ng mga boss

Aktor, mahiwaga ang pagka-moody

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.