Aktres na kilala ng mga taga-production noon bilang take-out queen, nagka-amnesia nang magka-pera

Ayon sa isang Talent Coordinator (TC), panay ang tawag ni actress-TV host noon na isama siya sa mga teleserye para may pagkakitaan siya dahil may mga anak siyang nag-aaral at wala siyang ibang mapagkunan ng pera. Ngayon ay parang wala na raw itong kilala sa mga hiningan niya ng tulong noon.

Ayon sa isang Talent Coordinator (TC), panay ang tawag ni actress-TV host noon na isama siya sa mga teleserye para may pagkakitaan siya dahil may mga anak siyang nag-aaral at wala siyang ibang mapagkunan ng pera. Ngayon ay parang wala na raw itong kilala sa mga hiningan niya ng tulong noon.

Ang laki na raw nang ipinagbago ng ugali ng actress-TV host na ito simula noong gumanda na ang buhay nito.      

Ayon sa isang Talent Coordinator (TC), panay ang tawag ni actress-TV host noon na isama siya sa mga teleserye para may pagkakitaan siya dahil may mga anak siyang nag-aaral at wala siyang ibang mapagkunan ng pera.

Ngayon ay parang wala na raw itong kilala sa mga hiningan niya ng tulong noon.

"Donyang-donya na siya, 'di ba? Sana sa pag-angat niya ay mas bumait siya. Pero kabaligtaran ang nangyayari. Naging suplada na. Nagkatabi ang mga sasakyan namin sa mall parking. Wala pa akong suot na mask noong lumabas ako ng sasakyan ko. Nakita ko siyang pababa ng car niya. Tinawag ko name niya. Aba, tiningnan lang ako, nagsuot ng facemask at sabay talikod at naglakad nang mabilis kasama mga alalay niya. Siyempre, na-offend ako kasi marami akong binigay na guestings sa kanya noong tag-hirap pa siya. Nakalimutan na niya pala ang mga iyon," emote ng TC.

Pero marami raw na hindi nakakalimutan ang TC sa mga pinaggagawa ni actress-TV host noong hikahos pa ito sa buhay. Isa na rito ay ang maghakot ng pagkain sa catering ng show na ikinaiimbiyerna ng staff sa kanya.

Kuwento ni TC: "Gawain niyan na mag-take out ng mga pagkain sa set kahit na alam niyang may mga kakain pang co-stars niya sa teleserye. May ready na yang mga plastic containers na dinadala sa set at inuutusan niya ang kanyang alalay na humakot ng pagkain. Eh, may nagsumbong naman na isang alalay ng artista sa staff na naubos kaagad ang hinandang ulam dahil nakita raw nilang naghahakot ang alalay ni actress-TV host."

Kinausap ng isang staff ang actress-TV host at tinanong kung totoong inutos nito sa kanyang alalay na kumuha ito ng mga pagkain. Mataray pang sumagot ito na totoo at bakit ipagdadamot ang pagkain, eh para sa kanila ‘yan. Ang point lang naman ng staff ay marami pang kakain sa set. Hindi lang naman daw para sa artista iyon kundi para sa buong crew ng show.

Dagdag pa ng TC: “Kung may sobrang natira, wala naman problema kung mag-take out. Basta nakakain na ang lahat, hindi ‘yung maghahakot siya, eh di pa nakakakain ang iba, di ba? Pero nagtataray pa ang lola mo. Kaya naman daw niyang bumili ng sarili niyang food. Kung kaya naman pala niya, bakit nagpapahakot siya ng pagkain sa alalay niya? Di bale sana kung maliit lang ang container niya. Kaso malalaki. Parang pati kakainin ng mga anak niya kinukuha niya sa set.”

Pero isang taping daw ay hindi nakasipot si actress-TV host at masakit daw ang tiyan nito. Hanggang sa may nag-text sa staff na tinakbo siya sa ospital dahil na-food poisoning ito.

"Wala na lang reaction ang mga tao sa set at alam na nila kung bakit nagkasakit siya. Dahil siguro sa mga hinahakot niyang pagkain. Baka raw may nakuha itong pagkain na madaling mapanis kapag tinatago na mainit pa. Sa kasibaan kasi niya sa pagkain, ayun nakakain siya ng panis!” sabay tawa pa ni TC. 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.