Aktres na madalas ma-link sa mga pulitiko, may bagong politician na minamataan?

Aktres na madalas ma-link sa mga pulitiko, may bagong politician na minamataan?

Isang political nanay na may poging politician son na nanalo sa isang importanteng government position last election ang nagulat nang maka-tanggap kamakailan ng bouquet of flowers at congratulatory card mula sa isang aktres.

Na-appreciate naman ito ni political nanay dahil marami namang nagko-congratulate sa pamilya nila pero nagtataka lang siya dahil hindi naman daw sila close ng aktres. Magkakilala, oo; pero hindi close. Kaya feeling niya ay hindi niya deserve ang bouquet of flowers. A simple text or paabot daw ng pagbati would’ve been enough.

Ang sabi daw ng aktres sa card ay hanga siya kay political mom dahil napalaki nang bongga ang anak.

Naaalarma ang ilang malalapit na kaibigan ni political nanay dahil baka raw may agenda si aktres kaya nagpapa-lakas, kumbaga. Hinala nila ay natitipuhan ni aktres and poging political son kaya gano’n. May reputasyon pa naman daw si aktres na mahilig sa guwapo. At ilang beses na ring naugnay ang pangalan nito sa ilang pulitiko in the past.

Paalala lang ng mga kaibigan na mag-ingat ang mag-ina sa tila attempt na pakikipag-close ni aktres sa kanila.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.