Aktres na mataas mag-presyo, markado na sa isang producer

“Ang daming tanong, magba-back out lang pala...”

“Ang daming tanong, magba-back out lang pala...”

Puring-puri ng producer/director at ng talent coordinator ang premyadong aktor dahil hindi siya namimili ng role na gagampanan kesehodang support lang. Kahit one-day shoot ay tinatanggap niya. 

Katwiran kasi ng aktor basta’t trabaho ay hindi dapat tinatanggihan lalo na sa panahon ng pandemya. In fact, labis siyang nagpapasalamat dahil maraming offers sa kanyang pelikula, mapa-mainstream man o indie. 

Hindi lang siya p’wedeng tumanggap ng TV series sa ngayon dahil may umeere na siyang teleserye. Bukod pa sa magbabangga ang mga taping schedules. 

Pero kaya pala nakakagawa ng pelikula ang premyadong aktor ay dahil isa hanggang maximum ng tatlong shooting days lang siya per film. Kaya kering-kering isingit kapag lumabas na siya ng bubble taping ng teleserye niya. 

’Yun nga lang mahal daw ang talent fee ng premyadong aktor. Kaya pala okay lang sa kanya ang mga one-day shoots dahil kahit libutin niya ang buong Metro Manila ay wala siyang mapupulot na ganu’n halaga. 

“Sulit naman ang ibabayad mo kasi magaling talaga at hindi hirap ang direktor sa kanya, super bait at mahusay pang makisama,” pagda-justify ng aming source na maalam sa mga ganap sa iba’t ibang produksyon. 

“Wala kang maririnig na bad kuwento about him kasi magaling talaga makisama at magaling talagang umarte.” 

Biglang naalala at nai-relate tuloy ng aming source ang k’wento tungkol sa isang aktres na kinukuhang mag-guest sa isang TV show. May kahirapan daw kasi itong kausap. 

“Ang hirap niyang kunin, una tinanong daw ang karakter, sino makakasama at saan ang location... nang malaman, nag-quote ng presyo at ang mahal!   S’yempre bilang producer at ganu’n kamahal, babawasan mo ng araw di ba?  Nu’ng nalamang binawasan ng araw, umayaw na.” 

Naging blessing in disguise naman daw for the show ang pagka-back out ng aktres dahil nakahanap sila ng mas deserving sa role.

“Good thing din kasi me nakuhang magaling na aktres at mas mura pa,” dagdag tsika ng aming source. “It turned out na mas bumagay ’yung aktres na kinuha kasi hindi mabigat ang itsura sa screen. Kaya pansinin mo, ang dami niyang projects. Sabi nga niya wala siyang pakialam kung isang araw lang din ang shoot niya.” 

Halos pareho raw ang ugali ng premyadong aktor at ng magaling na aktres na nagka-trabaho na rin noon sa isang show.

“’Yung iba kasi feeling VIP, sa panahon ng pandemya hindi na ganyan dahil hindi mo alam ang mangyayari anumang oras kaya dapat matutong magpakumbaba na,” tila pagle-lecture pa ng aming source na sanay na sanay sa mga paandar ng celebrities.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.