Aktres na may skin problem, deadma sa mga parinig

Aktres na may skin problem, deadma sa mga parinig

Usap-usapan ngayon sa mga showbiz umpukan ang tungkol sa isang veteran actress na ang leeg at balikat ay tila naging paboritong tambayan ng warts.

 

Ayon sa isang showbiz insider na nakapansin, nakaramdam siya ng discomfort habang pinapanood sa TV ang actress na bida ngayon sa isang teleserye. Ayon sa insider, iniisip niya ngayon kung paano pa kaya ang mga kasamahan ng actress sa set na regular siyang nakakasalamuha. May possibility raw na mahawa ang mga ito lalo’t customary sa showbiz ang pagbebeso-beso.

 

In another umpukan, nabuksang muli ang topic dahil nandoon ang isang aktres na co-star ng actress in question. Siya tuloy ang nausisa tungkol dito. Ayon sa co-star actress, aware daw sila sa set tungkol sa skin problems ni aktres at maging sila ay nagtataka kung bakit hindi nito ipatanggal o ipa-cauterize ang mga warts niya. Hindi naman daw kamahalan ang treatment na yon.

 

Sinisimplehan nalang daw nilang isingit sa conversation ang tungkol sa pagpapa-derma nila para baka sakali ay makahalata si aktres. Partikular na raw na tsumika sa may warts na aktres ang isa pang veteran actress na kasama din nila sa teleserye. Balidoso raw kasi ito at kasalukuyang pinagtutuunan ng pansin ang sagging neckline niya. Kinuwentuhan daw nito si subject-matter actress na pinapa-treatment niya ngayon ang leeg niya, bilang simpleng parinig na rin kay aktres.

 

Pero mukang wa epek dahil up to now ay in full attendance pa rin daw sa leeg nito ang mga nasabing undesirable skin growths. Inisip nalang nila na baka nalampasan na ni aktres ang stage ng pagiging balidosa kaya gano’n.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.