Isang aktres ang na-bembang kamakailan ng isang beteranong direktor dahil super late itong dumating sa lock-in shoot ng kanilang pelikula sa isang lugar sa NCR.
Naka-set-up na ang lahat at kumpleto na ang stars and ready to roll except kulang ang cast! Nowhere in sight pa ang isa sa mga bidang aktres.
Ang nangyari pala, napasarap ng tulog si aktres sa kanilang quarantine hotel at wala namang magawa ang RT-PCR negative driver na naka-assign dito kundi mag-wait.
Sa sarap yata ng tulog, di umepek ang alarm at mga pangangalampag calls ng staff.
Panay sorry naman daw si aktres kay Direk nang finally ay dumating na sa lock-in venue. Nag-explain na hindi nga siya nagising sa oras.
Dialogue nalang daw ni Direk, “Sana pala nagpasabi kang male-late ka ng two hours para natulog muna din kami habang wala ka pa.”
Ang tanong, ano kaya pinagka-abalahan ni aktres sa quarantine hotel the previous night at napuyat siya nang gano’n?
Kung kelan pu-pull out saka nagpuyat, ganern?
Wala namang choice ang buong production kundi maghintay some more dahil memeykapan at aayusan pa si aktres.
Major cause of delay, huh!
Pag lock-in shoots pa naman ngayon, bawa’t oras mahalaga dahil bilang na bilang ang araw ng mga shoots.
I’m sure markado na siya kay Direk na sanay humawak nang di hamak na mas malalaking artista pero never siyang pinaghintay.
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber