Aktres, napapa-secretly “Eww!” kay pawising aktor

"Sinubukan siyang lagyan ng baby powder sa katawan niya para ma-absorb ang pawis. Pero namuo ang baby power na parang nagkekeso sa katawan niya,” kuwento pa ni source. “Naku, kailangan magpatingin sa doktor ang taong ito para mahanapan ng lunas ang sobrang pagpapawis niya.”

"Sinubukan siyang lagyan ng baby powder sa katawan niya para ma-absorb ang pawis. Pero namuo ang baby power na parang nagkekeso sa katawan niya,” kuwento pa ni source. “Naku, kailangan magpatingin sa doktor ang taong ito para mahanapan ng lunas ang sobrang pagpapawis niya.”

Napapangiwi na lang daw ang drama actress na ito tuwing yayakapin niya ang isang aktor. Ito ay dahil daw sa hindi mapigilang pagtulo ng pawis nito sa buong katawan.

Napaka-pawisin daw ng aktor na para raw may gripo sa katawa. Kapag tumapat na raw ito sa ilaw kapag may eksena ito sa teleserye, namumuo na agad ang pawis sa likod, braso, at mukha nito. Kaya ang katambal nitong drama actress ang secretly ay nagsa-suffer. Ilang na ilang itong yakapin o hawakan ang aktor dahil nangingintab ito sa pawis.

Nakaka-ilang pag-cut din daw ang kanilang direktor dahil nakikita sa kamera ang pagtulo ng pawis nito sa buong katawan. 
Pero dahil professional si drama actress, tinutuloy na lang niya ang eksena kahit na mabasa ng pawis ang damit niya na galing sa katawan ng aktor.
Kuwento ng aming source: "Panay ang punas ng aktor sa braso, noo, at mukha niya dahil tagaktak ng pawis. Ibang klase siya pawisan. Kailangan mabilis siyang kunan sa eksena or else tutulo na naman ang pawis nito na walang pigil.

“Ayaw naming isipin na nagdo-droga ito kasi physically fit naman siya. ’Yun nga lang OA siya kung pawisan. P’wede mong pigain ang gamit niyang face towel sa timba dahil dami ng pawis niya. Mabuti na lang at walang amoy na di kanais-nais ang pawis niya or else baka maloloka na ang aktres na kaeksena niya."
Isang example daw ng grabeng pagpapawis ng aktor ay ang ginawang bed scene nito kasama ang katambal na aktres. Pagkatayo raw nito sa kama, basang-basa ang side kunsaan siya humiga at nagmarka pa ang katawan niya samantalang ’yung side ni aktres daw ay tuyong-tuyo.

"Sinubukan siyang lagyan ng baby powder sa katawan niya para ma-absorb ang pawis. Pero namuo ang baby power na parang nagkekeso sa katawan niya,” kuwento pa ni source.

Naku, kailangan magpatingin sa doktor ang taong ito para mahanapan ng lunas ang sobrang pagpapawis niya.”

 

YOU MAY ALSO LIKE:

TV host, kinatatakutang kausapin ng mga kasamahan dahil sa deadly nitong hininga

Workaholic na male celebrity, ayaw tumigil magtrabaho kahit halatang may health issues ito

Hunk actor, kalat na ang pagiging premature ejaculator at makasarili sa kama

Drama actor, muka ng Pinocchio sa kaka-patangos ng ilong

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.