Aktres, palihim na lumipat ng bahay para iwasan ang ex-partner na pumupuslit para maghakot ng gamit

Palihim na bumili ng bagong bahay si aktres at paunti-unti silang naglipat ng mga gamit. Noong nailipat na raw lahat ay pinalitan na niya ang mga locks iniwang bahay at may kinausap nang ahente na nagbenta agad ng bahay niyang milyones ang halaga. "Ngayon ay quiet daw muna si aktres sa bagong address niya dahil ayaw niyang makarating ito sa mga puwedeng magsabi sa ex-partner niya," sey pa  ng source namin.

Illustration: Katrina Jamilano

Palihim na bumili ng bagong bahay si aktres at paunti-unti silang naglipat ng mga gamit. Noong nailipat na raw lahat ay pinalitan na niya ang mga locks iniwang bahay at may kinausap nang ahente na nagbenta agad ng bahay niyang milyones ang halaga. "Ngayon ay quiet daw muna si aktres sa bagong address niya dahil ayaw niyang makarating ito sa mga puwedeng magsabi sa ex-partner niya," sey pa ng source namin.

Nilihim ng aktres na ito ang pagbenta niya sa kanyang bahay. Ayaw na raw niyang balikan ang bahay na iyon dahil sa mga hindi magagandang alaala at may pakiramdam siyang hindi na siya rin siya safe sa bahay na iyon.

Ayon sa aming source, wala raw balak noong una na ibenta ng aktres ang kanyang malaking bahay. Katas daw iyon ng kanyang pagtrabaho sa showbiz ng ilang taon. At pinagawa niya ang bahay na iyon para sa kanyang pamilya na hindi nakaranas na magkaroon ng sariling bahay noong lumalaki siya.

Pero marami na raw hindi magandang nangyari sa bahay na iyon sa mga nagdaang taon. Isa na rito ay noong pagnakawan siya ng mismong partner niya noong minsang rumaket siya sa ibang bansa.

Chika ng aming source: "Nasa Amerika noon si aktres para sa ilang shows pero hindi na pala sila nagkakasundo ng partner niya. Ilang araw na raw kasing hindi ito nagpapakita sa bahay kaya noong umalis siya, nakalimutan niyang magbilin na huwag nila itong papasukin.

"Pero tinaon daw ng partner niya na umalis ang mga tao sa bahay kaya nakapasok ito at kinuha ang mga gamit niya, pati na ang ibang mamahaling muwebles na pag-aari ni aktres. Kaya noong umuwi siya, iyak siya nang iyak kasi ang daming kinuha ng partner niya na wala naman daw naiambag sa bahay. Kahit daw bayad sa kuryente at tubig, wala itong maibigay tapos nagawa pang manguha ng gamit. Mabuti na lang daw at wala siyang mga alahas at pera na nakatago sa bahay kundi baka pati daw iyon ay tinangay ng partner niyang pasakit."

Kaya ngayon, palihim na bumili ng bagong bahay si aktres at paunti-unti silang naglipat ng mga gamit. Noong nailipat na raw lahat ay pinalitan na niya ang mga locks ng iniwang bahay at may kinausap nang ahente na nagbenta agad ng bahay niyang milyones ang halaga.

"Mabuti na raw iyon na malayo na sila sa mga hindi magandang vibes na naiwan sa bahay na iyon. Dahil sa partner niya, nagdala raw ito ng kamalasan sa bahay kaya maraming nangyaring hindi maganda. Ngayon ay quiet daw muna si aktres sa bagong address niya dahil ayaw niyang makarating ito sa mga puwedeng magsabi sa ex-partner niya," sey pa  ng source namin.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Breadwinner na sexy actress, hirap pagkasyahin ang kinikita; pamilya, sana tumulong na

Malamyang female TV host, na-threaten mapalitan matapos ma-memo-han ng mga boss

Aktor, mahiwaga ang pagka-moody

Celebrity couple, tahimik na naghiwalay ng landas last year

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.