Aktres, tinanggihan ni aktor; second choice, nabuntis

Aktres, tinanggihan ni aktor; second choice, nabuntis

Nagkaroon nang panandaliang dilemma sa loob ng isang malaking TV network. Gusto na kasing simulan ng mga bossing ang biggest project nila for the year na pagbibidahan ng isa sa prime male talents nila.

Kaso, ang nauna nilang napiling leading lady ay very much preoccupied pa sa isang ongoing na TV show. Nag-consider sila ngayon ng mga p’wedeng ipalit. 

Unang napili nila ay ang glamorosang aktres na isa sa mga prime leading ladies nila. Libreng-libre ang schedule nito at bagay na bagay sa role na leading lady ni male star. Pero nag-beg off politely si actor. Dati kasing naka-hidwaan ng dyowa ni actor si glam actress at umiiwas lang si leading man sa posibilidad na manariwa pa ang issue. Bukod doon, marahil daw ay alam ni leading man hindi ito ikakatuwa ng dyowa niya.

And naging next option ay si tsinita actress na kakatapos lang ng isang teleserye. In short, libre na ang schedule nito. Kaso, nang nakusapin na ng mga executives si tsinita actress ay ipinagtapat nitong buntis siya. Hindi pa lang daw nito nai-announce in public ang present status nito. In short, hindi na itinuloy ng mga executives ang alok dahil baka maging maselan para kay tsinita actress ang project. May pagka-action genre kasi ang proyektong inaaalok nila.

Kaya walang choice ngayon ang TV network kundi hintayin nalang matapos ang kasalukuyang show ni first-choice actress.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Aktres, kumpirmadong may attitude problem

Young actress, in love sa isang hunk at hindi sa ka-loveteam

Aktor, naipit between love and career

Maselang star, pinalinis ang set bago mag-shooting

Potential leading lady ng bida, baka giyerahin ng GF na selosa

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.