Asking price ng aktres, ikinabaliw ng producer

Asking price ng aktres, ikinabaliw ng producer

Isa pala sa unang inalok parang maging major host ng isang daily show ang aktres na matagal ng walang project—sa TV man o sa pelikula—kahit hindi pa man nagpa-pandemya.

Interesting lang kasi siyang ipang-halo kumbaga sa roster ng mga sure ng hosts ng show kaya naisip siya ng producer.

Kaso, nalula si produ sa asking price ni inactive actress. Tumataginting na P250K per day. E, daily ang show.

Seventy-five thousand lang ang kaya ni produ at kung tutuusuin, sa panahon ngayon, ay malaki na iyon. Saan ka naman pupulot ng P75K a day?

Sa tsikahan ng mga may alam sa proposal, may nagsabing tila may illusion of grandeur si aktres dahil wala pa naman ito gaanong napatunayan—ratings-wise or box office receipts-wise. May nagsabi din naman na baka naman naglatag ito ng presyong-ayaw.

Hindi na nangulit pa o tumawad manlang si produ. Umayaw na rin ito at naghanap ng iba. Tutal naman daw ay kayang gawin ng iba ang mga kayang gawin ni aktres.

Si aktres naman, for her part, ay deadma na rin. Hindi pa naman siya tag-gutom sa ngayon dahil malalim naman ang bulsa niya.
 

YOU MAY ALSO LIKE:

Male TV host na praning sa Covid, nagde-deny na artista siya pag may nagpapa-selfie’ng fans

Pasaway na TV actress, tinabla ng production staff

Bagong retokeng aktres, nag-maselan sa face shield

TF ni voluptuous star, laging kina-iinsekyuran?

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.