Bagong retokeng aktres, nag-maselan sa face shield

Bagong retokeng aktres, nag-maselan sa face shield

Na-delay ang taping ng isang talk show dahil sa isang female guest na may issue sa pinapasuot sa kanyang face shield.

Ayon sa source, hindi raw type ni female guest ang face shield na binibigay sa kanya. Para raw hindi safe kaya nagpabili pa raw ito sa driver niya. May specific na face shield daw siyang gusto.

E, dahil maaga ang taping, wala pang bukas na malls at supermarket kaya naghintay pa ng isang oras at kalahati ang staff ng talk show bago nakapagsimula.

Ayaw din naman daw ni female guest na sa tabi-tabi lang bibili ng face shield. Gusto niya ay ’yung nabibili sa legit na tindahan.

Inalam maigi ng staff kung ano ba issue sa binigay nilang face shield? ’Yung ibang guests naman daw nila ay walang reklamo.

Napag-alaman ng staff na bagong nose lift pala si female guest kaya hindi puwede sa kanya ang face shield na parang sunglasses kung isuot dahil papatong ito sa freshly operated nose bridge niya. 

Bale ang hanap niya ay yung de-garter na isusuot sa ulo dahil wala nga namang aabala sa ilong niya. Ang siste, sana nag-imbak na siya nang ganoong face shield bago pa man siya nagpa-retoke ng ilong dahil it’s a must nga ang pag-gamit ng face shield ngayon. 

Hindi na sana siya naka-delay ng show.

Pero iba na raw ang mayaman dahil sa gitna ng pandemya ay naisipan pa ni female guest ang iparetoke ang ilong niya.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.