Barakong aktor, willing magpa-book kay galanteng beki kapalit ng milyoneseseseseses

Pabulong na pinag-uusapan sa showbiz ang pagka-galante ng isang businesman kaya naman goal o pangarap na ngayon ng ilang kalalakihang artista na sana minsan ay matawagan din sila ng booking agent nito. Gaya nalang ng isang barakong aktor na umaasang mai-booking siya dahil kaya naman daw niyang gampanan ang "duties" kay beking businessman kapalit ng P15M.

Illustration: Katrina Jamilano

Pabulong na pinag-uusapan sa showbiz ang pagka-galante ng isang businesman kaya naman goal o pangarap na ngayon ng ilang kalalakihang artista na sana minsan ay matawagan din sila ng booking agent nito. Gaya nalang ng isang barakong aktor na umaasang mai-booking siya dahil kaya naman daw niyang gampanan ang "duties" kay beking businessman kapalit ng P15M.

Sa hirap ng buhay ngayon, mukang kakakayanin ng ilang male celebrities na lunukin ang pride, dignidad, at moralidad kapalit ng milyones. Pero yun ay kung pasado sila sa panlasa ng isang bilyonaryon beki na bucket list yatang maikama ang guwaping populace ng showbiz.

Sino ba naman ang hindi mapapa-isip kung tumataginting na P15M ang kabuhayan package na kapalit ng pakikipag-niig sa bilyonaryong businessman. At p'wede pang madagdagan kung ma-in love ito at i-maintain ka—until may matipuhan siyang iba.

Matagal nang open secret sa showbiz ang galawan na ito ni businessman at nabubuhay ang usapin every now and then sa mga umpukan ng Marites.

Ang k'wento, may tauhan itong si businessman na siyang tumatawag sa mga natitipuhan nitong guwapo at sikat na aktor. Negotiator, kumbaga.

Kapag pumayag ang actor ay papupuntahin ito sa isang bonggang hotel sa Southeast Asia, kung saan susunod si businessman.

At pag naganap na ang milagro, parang tumama sa lotto ang nai-booking na aktor. Bukod pa kasi sa pangakong amount, sunod rin ang layaw niya kay businessman until ma-realize niyang naka-hanap na ng ibang pantasya ang benefactor niya. But by then, marami-rami na siyang naipon mula sa mga pa-ayuda nito.

At dahil palihim ngang pinag-uusapan ang pagka-galante ni businesman kaya naman goal o pangarap na ngayon ng ilang kalalakihang artista na sana minsan ay matawagan din sila ng booking agent ni businessman.

Mahilig ang businessman na ito sa mga sikat at guwapong. At ilang beses na rin niyang napatunayan na everyone has his price dahil marami-rami na rin siyang kinatagpo abroad at ilan sa kanila ay hindi mo aakalaing bibigay.

Sa ngayon, hoping ang isang barakong aktor na makatanggap siya ng mapagpalang phone call mula sa agent ng businessman. At kahit kilalang babaero at lalaking-lalaki, nag-dayalog daw ito ng: “15M...malaki-laki yun, ah. Kaya ko yun. Game.”

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Ma-appeal na aktor, "digital" na ang pambababae

"Dakilang" TV hunk, napilitang mag-adult diaper sa isang live guesting nang walang magkasyang underwear na pamalit sa nadumihan niya

Aktres na napasarap ang kain during a vacation, nawarakan ng costume sa taping

Singer-actor, chickboy by day, male afam hunter by night?

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.