May naganap palang selosan blues sa isang bonggang event kamakailan. Kasi kahit pala single and-ready-to-mingle ang drama ni bida actor that night ay lihim na umiikot pala ang mata nito sa paligid-ligid ng malawak na events place para alamin kung ano ang pinagkaka-abalahan ng lihim nitong apple of the eye.
Nang lumalim na ang gabi at party mode na ang mga bisita, namataan ni bida actor and kanyang secret love na may kasayaw na newbie actor sa dance floor.
Hindi kinaya ni bida actor ang nakikita niya sa kanyang peripheral view kaya bigla diumano itong naglakad papunta sa sinasayawan nina secret lovey at newbie actor. Sinaway daw ni bida actor si clueless newbie actor na dahil inglisero ay ito lang daw ang nasambit: “Why, what did I do?”
Feeling siguro ni bida actor ay nakakalalaki si newbie actor dahil kahit naman never umamin si bida actor tungkol sa pagkakaroon niya ng relasyon kay secret love (na never ding umamin) ay alam sa kalakhang sirkulo ng showbiz ang tunay na ganap.
Inisip siguro niya, hindi dapat pinakikialaman ni Pedro ang pag-aari na ni Juan. Kaso, clueless nga si newbie actor bilang newbie nga. At napaka-inosente lang naman ng pakikipag-sayaw niya kay secret girl ni bida actor. Saya party mode lang.
MORE PIKABOO:
Promising male talent, tumanggi sa isang magandang role para lang maka-iwas sa lead male talent
Singer-politician, nabigo ang pag-epal
Aktres na madalas ma-link sa mga pulitiko, may bagong politician na minamataan?