Big-time actor, plastikado na

Big-time actor, plastikado na

Karamihan naman ng big-time artista ay nagsimula by being small. Hindi naiba ang istorya ni big-time na ngayong aktor sa istorya ng karamihan. Nag-struggle din siya. Pa-extra-extra, pa-small role, small role.

At sa mga panahong struggling actor palang siya, marami ang nagmagandang loob sa kanya. May angking bait naman kasi ang aktor, magaling makisama, at kahit noon pa man ay kinakitaan na ng galing.

Isa sa nagmagandang-loob kay aktor ay isang babaeng nagha-handle ng mga supporting talents at extras. Noong mga panahong walang-wala pa ang aktor ay kinupkop siya ng bitplayer manager na ito kaya masasabing may matibay silang pinagsamahan.

Nag-abroad pa sandali si aktor dahil feeling nito ay hindi para sa kanya ang showbiz. Pero nang magbalik siya ay kinapitan siya ng kakaibang swerte at nalagpasan nang milya-milya ang career ng ibang kapanabayan.

Fast forward to today. Big time na si aktor at alagang-alaga ng kanyang TV network. Sinuwerte naman na nakapag-pasok ng talent si bitplayer manager sa sikat na TV show ng aktor. At minsan, naisipan nitong dumalaw doon para kumustahin ang dati niyang kinupkop.

Pag dating sa taping ay excited na inalam ni manager ang tent ni aktor. At dahil maraming kakilala sa production kaya inakala marahil nang mahigpit na security men na “belong” si manager at hindi ito sinita nang katukin ang tent ni big-time actor.

Excited na excited daw si bitplayer manager na makita ang dati  iyang ala-alaga at maiparating dito kung gaano siya ka-proud sa naabot nito.

Pero para daw binuhusan nang malamig na tubig si bitplayer manager dahil imbes na yapak at mainit na pangungumusta ay iba ang naging salubong ni big-time actror sa kanya. Ang dialogue diumano nito ay: “Paano ka nakapasok dito? Paano ka naka-lusot sa security?”

Nag-sorry nalang daw si manager at masikip ang dibdib na tumalikod.

Pero naloka siya nang pag dating ni aktor sa umpukan nila ng ibang artista at production staff ay tila nagbagong-anyo si aktor. Mabait at malumanay na ito at bumangka pa tungkol sa mga pinagsamahan nila noong araw ni bitplayer manager na ilang minute lang ang nakakaraan ay kinuwestiyon niya.

Sumakay-sakay nalang daw siya habang ina-akbayan siya nito at kunwa ay nilalambing. Pero sumasabog pa ring ang dibdib niya sa sama ng loob dahil sa naunang naranasan niya.

Pag may “audience” daw pala si big-time actor ay nagmamaskara ito ng dati nito ugaling mabait at magaling makisama. Pero sa maliit at protective nitong sirkulo ay ang bagong pagkatao na ang namamayani. Isang mataas ang tingin sa sarili. Tila iniba na daw ng pagka-sikat nito ang dating humble at simpleng taong nakilala noon ni bitplayer manager.

Oh, well.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.