Looks like there’s still trouble in paradise.
Kahit kasi sweet-sweetan in public ang celebrity couple na dumaan sa gusot kamakailan ay tuloy pa rin pala ang nagaganap na sumbatan off-cam.
Si boy kasi ay nasa exploration stage ngayon at tumanggap ng trabahong hindi kasama si girl. Okay lang naman sana yon. Kaso, si girl was the last to know about it. Hindi nagka-balls si boy na sabihan si girl about it kahit magkasama naman sila araw-araw.
What made matters worse, sa social media nalang nalaman ni girl ang lahat. Feeling betrayed si girl. Ang ending, naratatat si boy—hindi lang ni girl kundi maging ng kulto ng fans nilang feeling na-betray din.
May ginawa namang move si boy to pacify everyone. At tila napaliwanagan niya si girl. And for awhile, kumalma ang lahat.
Pero habang papalapit na ang pag-giling ng new project, sinasaniban na naman ng insecurity si girl. May mga panibagong pagmamarakulyo daw na nagaganap. May dinayalog pa raw si girl na alam na niya ngayon na mas mahal ni boy ang career nito kaysa kanya.
At dahil naririndi na si boy, tila ayaw na raw nitong ituloy ang project dahil napangunahan na ng kung anu-anong kanegahan.
Nanghihinayang naman ang mga solid followers ni boy dahil chance na niya ito to prove himself. May kabonggahan pa naman ang project dahil tila si boy daw ang flavor of the season ng bigwig behind the project. Balita pa nga ay package deal ang isang kapatid ni boy na hindi maka-alagwa ang showbiz career.
MORE PIKABOO:
Promising male talent, tumanggi sa isang magandang role para lang maka-iwas sa lead male talent
Singer-politician, nabigo ang pag-epal
Aktres na madalas ma-link sa mga pulitiko, may bagong politician na minamataan?
Aktres, tinanggihan ni aktor; second choice, nabuntis