Breadwinner na sexy actress, hirap pagkasyahin ang kinikita; pamilya, sana tumulong na

Pinayo na lang daw ni source sa sexy actress na hikayating magtrabaho ang kapatid nito. Pati ang madir nito ay tumulong na rin daw sana dahil marunong naman daw itong magluto. "Yun na lang ang pinakapayo ko sa bata. 'Yung nanay pala niya ay magaling magluto, e, di magbenta siya ng mga lutong ulam sa subdivision nila. At least makakatulong iyon. At yung kapatid niya pala ay tambay lang. Magtrabaho ito sa mga fastfood para makatulong ito sa ibang gastusin.”

Illustration: Sych Ancheta

Pinayo na lang daw ni source sa sexy actress na hikayating magtrabaho ang kapatid nito. Pati ang madir nito ay tumulong na rin daw sana dahil marunong naman daw itong magluto. "Yun na lang ang pinakapayo ko sa bata. 'Yung nanay pala niya ay magaling magluto, e, di magbenta siya ng mga lutong ulam sa subdivision nila. At least makakatulong iyon. At yung kapatid niya pala ay tambay lang. Magtrabaho ito sa mga fastfood para makatulong ito sa ibang gastusin.”

Dahil sa mahal ng mga bilihin ngayon, hindi na alam ng sexy actress na ito kung paano niya pagkakasyahin ang kanyang kinikita.

Kahit daw dalawang regular shows siya ngayon, hindi pa rin daw sapat ang kinikita niya sa mga ito dahil na rin sa taas ng mga bilihin mapa-palengke man o supermarket. Dagdag pa sa gastos ang pagtaas din ng bayad sa tubig, kuryente at kung anu-ano pa.

Breadwinner ng kanyang pamilya si sexy actress at gusto niyang makaipon din para makabili na sila ng sarili nilang bahay at hindi na sila umuupa. 

Nag-e-emote nga raw si sexy actress sa aming source dahil hindi sapat ang suweldo niya sa dalawang shows dahil sa laki ng kaltas ng kanyang road manager at ng kanyang management office kunsaan siya naka-kontrata.

"Naaawa naman ako sa bagets. Kasi minsan nakita kong umiiyak kasi kakapusin na naman daw siya sa pambayad this month. Napapagod daw siya sa wala. Pero wala raw siyang choice. Kailangan niyang magpursige at magtiis. Naniniwala siya na giginhawa rin ang pamilya niya balang-araw.

"Kasi nga naman, ang laki ng kaltas sa talent fees niya. Oo at dalawa ang regular shows niya, pero kung kalahati naman ng kinikita niya ang nawawala, paano nga naman siya makakaipon? E, gusto pa naman niyang makabili na ng bahay para sa family niya at ituloy ang pag-aaral niya.

"Kaya minsan, lumapit sa akin yan at naghahanap ng raket. Wag na lang daw namin ipaalam sa kanyang RM dahil malaki raw ang kakaltasin nito. Gustuhin ko man, paano, e, madali ngang malaman ngayon ang mga raket ng mga artista dahil sa
social media. Kapag nakita sa social media na nag-show siya sa ganitong lugar na walang paalam, baka awardan siya ng RM niya," chika pa ng source namin.

Pinayo na lang daw ni source sa sexy actress na hikayating magtrabaho ang kapatid nito. Pati ang madir nito ay tumulong na rin daw sana dahil marunong naman daw itong magluto.

"Yun na lang ang pinakapayo ko sa bata. 'Yung nanay pala niya ay magaling magluto, e, di magbenta siya ng mga lutong ulam sa subdivision nila. At least makakatulong iyon. At yung kapatid niya pala ay tambay lang. Magtrabaho ito sa mga fastfood para makatulong ito sa ibang gastusin.

"Mahirap talaga maging breadwinner. Pero kailangan pa rin ng tulong nitong si sexy actress mula sa pamilya niya. Paano na kung magkasakit ito? E, di nganga silang lahat."

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Malamyang female TV host, na-threaten mapalitan matapos ma-memo-han ng mga boss

Aktor, mahiwaga ang pagka-moody

Celebrity couple, tahimik na naghiwalay ng landas last year

Supporting actor na nagde-demand ng special treatment, nasopla

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.