Celeb couple, pinipilit isalba ang away-bating relasyon

Celeb couple, pinipilit isalba ang away-bating relasyon

Pinipilit i-work out ng isang celebrity couple ang kanilang relasyon pero tila nasa volatile stage sila ngayon. Tipong sweet na sweet one day, away naman the next. Nasa can’t-love-with-you but can’t-live-without stage kumbaga. 

Sinubukan na raw ng couple na maghiwalay muna nang tirahan para marahil iwasang magkasakalan sa relasyon. Pero may liberty pa din si guy na mag-overnight sa condo ni girl and vice versa. Maski mga malalapit daw na tao sa couple ay nalilito na rin sa setup ng dalawa.

Panay pa rin naman ang rampa ng dalawa as couple, both here and abroad, at kung ang mga lumalabas na feed nila sa social media  ang pagbabasehan ay tila there’s no trouble in paradise. Marami lang ang nagtataka dahil sa huling rampa nila abroad ay nag-extend ng bakasyon si guy kasama ang tropa nito at lumipat pa ng bansa, habang si girl ay umuwi na ng Pinas.

Well, baka naman for-boys-only ang lakad? At baka din naman kailangang mag-recharge nang husto ni guy dahil pag balik niya ay sasabak na siya sa isang mahabaang TV project na muntik na umano nitong talikuran?

 

MORE PIKABOO:

Bonggang project ni male star, hindi na matutuloy dahil sa pangne-nega ng dyowa

Female celeb, naisahan ng dyowa?

Celebrity mom, nawindang nang madiskubreng nakapagbukas ng malalaswang pictures sa Internet ang anak na Grade 1

Promising male talent, tumanggi sa isang magandang role para lang maka-iwas sa lead male talent

Singer-politician, nabigo ang pag-epal

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.