Celebrity couple, nahihirapang kumuha ng yaya para sa anak nila

Dahil kapwa pressured sa trabaho at sa pag-aalaga ng anak kaya't nadadalas daw tuloy ang away ng couple na ito.

Illustration: Katrina Jamilano

Dahil kapwa pressured sa trabaho at sa pag-aalaga ng anak kaya't nadadalas daw tuloy ang away ng couple na ito.

Isa sa nagiging problema ng mga mag-asawa o couples na parehong nagta-trabaho ay ang paghahanap nang matinong yaya na p'wede nilang pagkatiwalaan sa pag-aalaga ng kanilang anak o mga anak, lalo na kung baby pa ang bata.

Masuwerteng maituturing sa panahon ngayon ang mga couples na nakapisan pa sa mga magulang/biyenan nila dahil mayroong puwedeng tumingin at mag-alaga sa kanilang mga anak kung wala sila pareho sa bahay.

Pero hindi ganoon ang kalagayan ng isang celebrity couple. Wala silang ibang maaasahan sa pag-aalaga ng kanilang bagong supling. At sa kasalukuyan ay masugid nga raw sa paghahanap ng yaya ang still-unmarried couple—lalo na ang aktor dahil may mga tanggap na siyang trabaho.

Hirap ang couple sa paghahalinhinan sa pag-aaalaga sa bata dahil unpredictable pa naman ang mga shooting schedules.

Kung tutuusin ay hindi na bago sa aktor ang pag aalaga ng bata dahil may mga anak na rin naman ito sa dating asawa at co-parenting ang set-up nila. Si aktres ay ganu'n din dahil pangalawa na n'ya ito. Buti nalang at may sariling yaya naman ang panganay ng aktres sa unang naka-relasyon kaya't hindi naman ito dagdag sa daily pasanin nila.

Ni pagdalaw daw sa ina ay hindi na magawa ng aktor dahil sa tuwing magpapa-alam ay ayaw siyang payagan ng aktres dahil wala ngang magbabantay sa bunga ng kanilang pagmamahalan.

Bukod pa roon, sobrang selosa raw ng aktres kaya't trabaho-bahay nalang talaga ang ruta ng aktor.

Dahil kapwa pressured sa trabaho at sa pag-aalaga ng anak kaya't nadadalas daw tuloy ang away ng couple na ito.

Kaya naman masigasig daw sa pagtatanong sa mga kaibigan ang aktor kung may maire-rekomenda ba silang yaya na mapagkakatiwalaan talaga.

At may emphasis sa "mapagkakatiwalaan," ha. Numero unong requirement kasi ng couple ay dapat hindi Aling Marites ang yaya. Paano kasi, never naman nilang inamin sa publiko na may baby daughter na sila. E, baka nga naman si future yaya pa, kung sakali, ang maglabas ng resibong pinaka-iingatan nila.

Sabi tuloy ng source namin na concerned sa couple, sana raw ay dumating na ang tamang oras na makapagsapubliko na ang couple sa naging sitwasyon nila. Kung tutuusin ay wala naman kasi silang sabit pareho. Nakaka-pressure nga din naman kasi ang pagtatago ng lihim.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Retokadang female celeb, unprofessional na, sinungaling pa; alibi, buking

Mga BONA—mga obsessed at nagpapa-alipin sa pag-ibig—naglipana pa rin sa showbiz

Bagets na olats sa talent, lead actor na dahil sa yayamaning madir

Barakong aktor, willing magpa-book kay galanteng beki kapalit ng milyoneseseseseses

Ma-appeal na aktor, "digital" na ang pambababae

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.