Celebrity couple, tahimik na naghiwalay ng landas last year

Nakapanghihinayang lang na sa hiwalayan rin pala nauwi ang pagsasama ng isang celebrity couple na na-seal lavishly eight years ago sa isang malayo at idyllic na lokasyon.

Illustration: Sych Ancheta

Nakapanghihinayang lang na sa hiwalayan rin pala nauwi ang pagsasama ng isang celebrity couple na na-seal lavishly eight years ago sa isang malayo at idyllic na lokasyon.

"Sometime last year (2022)" pa raw pala naghiwalay ang isang celebrity couple after eight years of marriage ayon sa aming source.

Yon nga lang, unlike ang ibang celebrity couples na may pa-cryptic posts at unfollow-han munang patikim sa publiko, very quiet lang ang naging hiwalayan ng dalawa at konti lamang ang privy ukol dito.

Tila natanggal na umano ang piring sa mata ng aktor na matagal naging sunud-sunuran sa kanyang not-fully-showbiz wife.

Marami raw kasing binago si ex-wife sa buhay ng aktor kabilang na ang pakikitungo sa mga household personnel. Kung dati ay bukas-palad ang aktor at may mga pa-bonus pang nalalaman, ay bigla nalang nawala ang ganoong mga pa-pribilehiyo.

Marami rin daw ipina-impose na off limits si girl sa mga kasama nila sa bahay kaya naging de-numero ang kilos ng mga ito.

Dahil pinagbibigyan ang asawa kung kaya't marami na raw ang lumigwak kay aktor.

Pero ang da hayt, maging sa mga ka-anak daw ng aktor ay naka-harang si ex-wife. Naglagay pa nga raw ng ceiling o quota kung hanggang saan lang dapat magbigay ang aktor na kilalang generous sa pamilya.

Tila sa parteng iyon hindi maka-sunod ang aktor sa nais ng kanyang ex-misis.

Ayon pa sa source, nagbago rin daw ng big time ang personality ni ex-wife. Malayo na raw ito sa rural girl na nakipagsapalaran sa big city na nakilala nila noon. Kasabay daw ng pagtaas ng kanyang premium ang pagtaas ng ere lalo pa't may ina-achieve itong status na kagaya ng sa isa ring kilalang female celebrity.

Nakapanghihinayang lang na sa hiwalayan rin pala nauwi ang kanilang pagsasama na na-sealed off lavishly eight years ago sa isang malayo at idyllic na lokasyon.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Aktor, mahiwaga ang pagka-moody

Supporting actor na nagde-demand ng special treatment, nasopla

Female starlet, namumuro na sa pagka-taklesa; latest victim niyang female celebrity, nagpigil lang na sapakin siya

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.