Closeted actor, ayaw na sa taga-showbiz

Closeted actor, ayaw na sa taga-showbiz

Guwapo at seksing visual artist pala ang ipinalit ng actor-businessman sa dati niyang dyowang singer-actor.

Kaya pala hindi na nai-wa-wan-plus one ng mga netizens ang mga magkahawig na backdrops ng mga respective selfies nina businessman-actor at singer-actor sa social media ay dahil they don’t spend the same time on the same locations na. Nagkanya-kanya na nga kasi ng landas.

(Ganoon kasi paraan noon nina businessman-actor at singer-actor para makapagtago at makaiwas sa intriga. Kahit magkasama sila ay never nag-post ng picture na magkasama. Pero sa matatalas ang mata, hindi nakakaligtas na pagkumparahin ang mga lugar at background nila sa mga nai-post nilang magkahiwalay na pictures.) 

Anyway, malamang ay sa art scene nakilala ni actor-businessman ang bago niyang apple of the eye. Isa kasi sa paraan ngayon ng pag-level up ng isang celebrity ay kapag natuto na siyang maka-appreciate ng visual art—or at least fake it para lang masabing belong.

In the case of businessman-actor, marami nang nag-level up sa buhay niya kaya he now associates himself sa mga inborn kulturados. Moreover, nagawa na rin niyang magpaka-kulturado dala ng pag-asenso sa buhay.

Sa circle of friends ni businessman-actor ay very open naman siya sa kanyang sexual preference. At kapag alam niyang hindi siya ida-judge ng kaharap ay “my partner” ang pag-i-introduce niya kay guwapong visual artist.

They are actually, literally a handsome pair. Kung hindi lang siguro judgmental ang lipunan ay malamang na matagal nang nag-out si businessman-actor

 

YOU MAY ALSO LIKE:

TV host na pa-asa sa biyaya, di na siniseryoso ng staff

Newbie singer, magpapa-retoke muna bago i-full blast ang launching

Prepaid talent, tinatamad “magbayad”

Tatlong male young stars, paboritong padalhan ng shirtless selfie ng isang male singer

User-friendly na, fake sosyalera pa

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.