Comedian-TV host, may kakaibang amoy?

Comedian-TV host, may kakaibang amoy?

Nakakahinayang ang male comedian/host na ito kung totoong bumabalik na naman ito sa dating bisyo, kabilang na ang diumano’y pagte-take ng bawal na gamot at pagsusugal. 

May bali-balita ding nakikipagbalikan ito sa dating dyowa matapos ang hindi nila magandang paghihiwalay.

Ilang isyu at scandal na ang kinasangkutan ng comedian/host at ‘yung huli, p’wedeng hindi na siya makabalik sa kung ano ang meron siya ngayon.

Pero, dahil nangakong magbabago na at talagang puputulin na ang relasyon sa kanyang karelasyon na nagdala rin ng eskandalo sa kanya, nakuha ng comedian/host ang simpatiya ng tao.

At sa kabila ng pandemya, nakapag-resume rin ang show niya at nabibigyan pa rin siya ng trabaho ng kanyang network. 

Yun nga lang, iba na naman daw ang kinikilos at attitude na ipinapakita ng comedian/host. Madalas ay sinasalo na lang daw ito ng co-host niya sa show.

Minsan din na may special guest sila, ang mismong guest na ito ay may napansin na kakaibang amoy raw kay comedian/host kaya napatanong ang special guest sa mga taga-production out of concern dito. Hula ng mga taga-production ay baka hindi na nito nakukuhang maligo kaka-puyat sa mga bisyo nito.

Marami sa mga nakakakilala kay comedian/host ang nanghihinayang kung hindi pa raw nito pahahalagahan ang mga opportunities na meron siya pati na mga second chances na naibibigay sa kanya.

Ang siste, balita rin namin na mismong mga nagma-manage sa kanya, gusto na rin siyang i-give-up, lalo na raw kung mapapatunayan nga na binalikan na nito ang mga dating bisyo.

At kung mangyayari ’to, kawawa si comedian/host. Lalo pa’t nauubos na ang sympathy card na nagagamit niya sa tao.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

TV personality, tulala sa puyat at sa dami ng utang

Newbie actress, nabistong nagpapasok ng boyfriend sa lock-in taping; character sa show, “pinapa-patay na” ng mga bossing

Senior actor and newbie actress, nagka-developan sa lock-in taping

Sexy newbie, iniwasan ng mga male co-stars sa set dahil pinagseselosan ng mga dyowa

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.