Drama actor, muka ng Pinocchio sa kaka-patangos ng ilong

Minsan na palang naaksidente ang ilong ni Drama Actor sa isang lock-in taping. May eksenang may hinahabol siya pero natapilok siya at unang nag-landing ang mukha niya sa sahig. Dumugo ang ilong nito at kailangang itakbo siya agad sa ospital. Sey ng source: "Mabuti na lang at hindi masyadong napuruhan ang ilong niya. Medyo tumabingi daw kaya agad tinawagan ang doktor niya. Kaya na-pack up ang taping dahil isang linggo na nagpahinga ang aktor para bumaba ang maga ng ilong niya."

Minsan na palang naaksidente ang ilong ni Drama Actor sa isang lock-in taping. May eksenang may hinahabol siya pero natapilok siya at unang nag-landing ang mukha niya sa sahig. Dumugo ang ilong nito at kailangang itakbo siya agad sa ospital. Sey ng source: "Mabuti na lang at hindi masyadong napuruhan ang ilong niya. Medyo tumabingi daw kaya agad tinawagan ang doktor niya. Kaya na-pack up ang taping dahil isang linggo na nagpahinga ang aktor para bumaba ang maga ng ilong niya."

Patangos na nang patangos ang ilong ni Drama Actor. Ito ang napapansin ng isang Talent Coordinator (TC) na tuwing may bago raw itong teleserye, nag-iiba ang hugis ng ilong nito. Para na raw itong si Pinocchio tuwing nagsisinungaling.

Tsika pa ng TC: "Nagulat ako nu’ng masalubong ko siya sa studio. Nag-iba na naman ang hugis ng ilong niya. Papunta na sa pagiging mestizo, e, hindi naman siya tisoy. Kunsabagay, noon pa niya emote ang ilong niya noong um-extra-extra pa lang siya. Pinangako siguro niya sa sarili na kapag nabigyan siya ng big break, ilong ang unang ipapaayos niya. Sawa na siguro siyang maglagay ng nose shade."

Napag-alaman din ng aming source na maintained pala ang ilong ni Drama Actor. May sponsor ito na doktor na hindi napapabayaan ang ilong nito at kung anu-ano pang parte ng katawan niya.

"Dapat lang, 'di ba? Kaya dapat humabol siya sa mga mestizong leading men na ka-level na niya. Mabuti na lang at ’yung sponsor ng ilong niya ay dati niyang karelasyon kaya tuloy lang ang pag-alaga sa kanya ng libre. Ang mahal kaya mag-maintain ng ilong," tawa pa ng source.

Pero sana raw mapansin ni Drama Actor na parang hindi na bumabagay ang ilong niya sa mukha niya. 

"Parang sumobra naman sa tangos ngayon. Parang hindi na bagay sa hugis ng mukha niya. Kung obsession niya ang magkaroon ng gano'ng ilong, e di gawin niya. Basta ba nakakahinga pa siya at hindi maaksidente ang mukha niya," sey ng source.

Kaso, minsan na palang naaksidente ang ilong ni Drama Actor sa isang lock-in taping. May eksenang may hinahabol siya pero natapilok siya at unang nag-landing ang mukha niya sa sahig. Dumugo ang ilong nito at kailangang itakbo siya agad sa ospital.

Sey ng source: "Mabuti na lang at hindi masyadong napuruhan ang ilong niya. Medyo tumabingi daw kaya agad tinawagan ang doktor niya. Kaya na-pack up ang taping dahil isang linggo na nagpahinga ang aktor para bumaba ang maga ng ilong niya."

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.