Emoterang aktres, napigilang umiyak dahil sa isang pagbati

Emoterang aktres, napigilang umiyak dahil sa isang pagbati

Kilalang emotera ang isang singer actress. May hugot at feels ito sa lahat ng bagay at kakilala.

Emotera ito to the point na pag may namamatay sa showbiz ay daig pa nito ang mga ka-pamilya ng yumao sa pag-e-emote, mapa-personal man o sa social media.

In fairness, pala-kaibigan naman talaga ang aktres at marami talagang ka-close sa industriya. Ibang level lang talaga umemot.

Minsan, may isang kaibigan itong yumao. Ilang araw na naman daw nanimdim ang singer-actress at talagang dinamdam ang pagkawala ng kaibigan. 

Sa takdang araw nang pagpunta nito sa lamay, todo emote na daw ito sa sasakyan palang. Buti nalang at sanay na ang asawa ni actress sa gawi na iyon ng kabiyak. Pero maski siguro ito ay nao-OA-yan na rin minsan.

Pag dating nila sa venue ng lamay, sinalubong sila ng mga kakilalang taga-showbiz din na nagkaka-umpukan sa labas. Hindi muna nakapasok ang mag-asawa at tsumika muna sa mga naroon. Emote pa rin daw si aktres at kino-console ito ng mga kakilala.

Until may isang bumati na: “Ang payat mo na!” 

Sumaya daw ang aura ni aktres. Sumigla ang mood na na-extend na hanggang sa pag-uwi. Hindi na raw ito nag-teleserye mode sa loob ng funeral parlor gaya nang nakagawian nito sa ibang similar circumstances.

Matagal na kasing nagda-diet ang aktres at malaking achievement para dito ang mapansin ang effort niya.

Parang naka-hinga daw nang maluwag ang asawa ni aktres dahil hindi ito nag-heavy dramatic scene that night. Sa sobrang relieved ng asawa, hinanap pa raw nito ang bumati sa asawa at pinasalamatan dahil sa pagpapa-bago niya ng mood sa asawa niya.

MORE PIK­A­BOO:

Bong­gang pro­ject ni male star, hindi na matu­tu­loy dahil sa pangne-nega ng dyowa

Fe­male celeb, naisa­han ng dyowa?

Celebrity mom, nawin­dang nang madiskubreng naka­pag­bukas ng malalaswang pic­tures sa In­ter­net ang anak na Grade 1

Promis­ing male tal­ent, tu­manggi sa isang ma­g­a­n­dang role para lang maka-iwas sa lead male tal­ent

Singer-politi­cian, nabigo ang pag-epal

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.