Epal actor na mahilig magpa-rewrite ng script at magpa-retake ng shots, nakatikim ng bonggang sopla mula sa kasamang drama actress

Nakatikim ng talak ang aktor na feeling magaling mula sa isang nagtitimping aktres. Feeling daw kasi ng aktor ay ang husay-husay niya, e, wala naman daw itong napapanalunan pang best actor award. Gets daw nila kung magiging demanding ito kung ang level niya ay mala-Christopher de Leon na. Ang kuwento ng source namin ay masyado raw demanding ang aktor sa mga eksena niya. Nakukulangan daw siya sa exposure niya at gusto niyang ma-rewrite ang mga eksena niya. Sa isang big scene, nanghingi na naman daw ng retake ang actor kaya sumabog na ang aktres. Say daw nito sa aktor: “Nandiyan ang camera, kunan mo sarili mo!” Palakpakan daw ang production staff at nanahimik na si epal actor.

Nakatikim ng talak ang aktor na feeling magaling mula sa isang nagtitimping aktres. Feeling daw kasi ng aktor ay ang husay-husay niya, e, wala naman daw itong napapanalunan pang best actor award. Gets daw nila kung magiging demanding ito kung ang level niya ay mala-Christopher de Leon na. Ang kuwento ng source namin ay masyado raw demanding ang aktor sa mga eksena niya. Nakukulangan daw siya sa exposure niya at gusto niyang ma-rewrite ang mga eksena niya. Sa isang big scene, nanghingi na naman daw ng retake ang actor kaya sumabog na ang aktres. Say daw nito sa aktor: “Nandiyan ang camera, kunan mo sarili mo!” Palakpakan daw ang production staff at nanahimik na si epal actor.

Hindi nakapagpigil na tumalak ang drama actress na ito sa feeling magaling na aktor sa set ng kanilang teleserye.

Sey ni drama actress ay nirerespeto niya ang bawa't taong makatrabaho niya. Pero kung ang isang kasama nila ang nagiging cause ng pagkairita ng ibang cast members, hindi raw siya puwedeng manahimik at talagang tatalak daw siya.

And talak she did dahil nakatikim talaga ang aktor na feeling magaling sa kanya. Feeling daw kasi ng aktor ay ang husay-husay niya, e, wala naman daw itong napapanalunan pang best actor award. Mag-demand daw ito kung ang level niya ay mala-Christopher de Leon na.

Ang kuwento ng source namin ay masyado raw demanding ang aktor sa mga eksena niya. Nakukulangan daw siya sa exposure niya at gusto niyang ma-rewrite ang mga eksena niya.

"Pinagbigyan si aktor noong first few weeks ng lock-in taping nila,” kuwento ng source sa amin. “May punto naman siya dahil isa siya sa magiging central characters kaya kailangang strong ang presence niya.

“Pero mukhang umabuso naman dahil every time na may eksena siya, lagi siyang may reklamo at humihiling siya ng retake. Tuloy napapagod ang mga kasama niyang artista dahil sa mga demands niya."

Sa isang big scene daw ay sumabog na si drama actress dahil sa pagiging epal ng aktor.

Patuloy na kuwento ng source: "May isang big scene na kailangan one take lang dahil mahirap maulit ang emosyon nilang lahat sa eksena. Tuhog ang eksena kaya kailangang ibigay ng cast ang best nila.

“After mag-cut ang direktor, natuwa siya sa naging resulta at thumbs up siya sa tuhog na eksena. Pero biglang humiling ang aktor ng isa pang take na ikinaloka ng mga kasama niya.

"Nireklamo ng aktor ang posisyon niya sa eksena. Noong panoorin niya ang playback, hindi raw nakikita ang character niya sa screen. Kaya mag-take daw sila ulit. Lumapit ang direktor kay aktor at sinabing hindi nila puwedeng gawin ulit yung nakunan nang eksena dahil naibuhos na ng cast ang lahat sa one take. Hindi na raw mauulit iyong authencity ng emotions. 

"Aba, parang bata na nagpapapadyak ang aktor at gusto niyang ulitin dahil feeling niya ay hindi niya nabigay ang lahat sa eksena.

"Dito na pumasok ang matagal nang imbiyernang drama actress sa kanya. Tinalakan niya ang aktor at sinabing pagod na silang lahat. Bakit siya pagbibigyan kung mismong direktor nila nga umokey na sa eksenang nakukunan?

“Pare-pareho lang naman daw silang artista lang doon at wala siyang right na mag-demand ng isa pang take dahil gusto na nilang lahat magpahinga na. Kung gusto raw niya ng isa pang take, nandiyan naman daw ang kamera, kunan niya ang sarili niya."

Pinalakpakan daw ng production staff ang aktres at wala raw nagawa ang aktor kundi ang tumahimik na lang.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Show ng dalawang aktres, na-cancel matapos nilang magtalakan sa set

Dating malungkot na aktres, mukang bibigay na sa panunuyo ng isang production staff member ng kanyang show

Dating jologs na young actress, pinangingilagan na ng mga kaibigan dahil naging pa-coño mula nang madikit sa Ingliserong aktor

Aktres, napapa-secretly “Eww!” kay pawising aktor

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.