Feeling entitled actor na galing sa showbiz clan, iniwan ng manager dahil rumaraket nang patalikod

Feeling entitled actor na galing sa showbiz clan, iniwan ng manager dahil rumaraket nang patalikod

Bago palang noon sa showbiz ang kilalang aktor ay nagsabi na siya sa kanyang manager na gusto niyang sumikat nang husto at hanapan siya ng project na siya ang bida para ipakita sa mga kaanak na deserve niyang gamitin ang apelyido nila.

Medyo nairita na noon ang manager pero sige lang. Inisip nitong baka kasi bago lang ang alaga kaya ganoon mag-isip. At hindi naman masamang mangarap nang todo dahil libre naman.

Nang nailako siya ng manager sa isang TV network, mataas ang talent fee’ng nai-close deal ng manager para sa kanya. Kulang kalahating milyon kada buwan! Kaya lalong nag-feeling ang aktor.

In fairness, guwapo, articulate, at magaling umarte ang aktor. Talagang maipagmamalaki nga naman siya ng kanyang pamilya.

Pero hindi nagtagal ang pagsasama ng manager at ng aktor dahil hindi alam ng una na tumatanggap ng ibang raket ang alaga niya na hindi ipinaalam sa kanya.

Ang pagkakamali ng aktor binanggit niya sa kumuha ng serbisyo niya kung sino ang manager niya pero sinabihan ito na huwag na lang ipaalam dito ang negosasyon nila dahil siya naman ang direktang kausap.

Kung bakit naman minalas ang aktor dahil na-late siya ng dating sa event na raket niya kaya nag-alala ang mga organizer at tinawagan ang manager niya na gulat na gulat dahil wala siyang alam sa ganap ng aktor sa araw na iyon.

“Sabi ko, ‘Bakit sa akin ninyo hinahanap hindi naman ako ang kausap n’yo,’” sabi ng manager sa amin. “Hindi raw kasi sumasagot na ’tong alaga ko.  Naawa naman ako sa organizer kasi ngarag na at super late na sa oras. Tinawagan ko ang alaga ko at sinabi kong katatawag lang nu’ng organizer na kumuha sa kanya at hinahanap siya.

“Tapos sabi ko, ‘Ayusin mo ’yang problema mo. Siputin mo ’yan dahil ikaw ang kausap, hindi ako. Hindi kita mapo-protektahan diyan kasi hindi ko naman alam yan,” kuwento pa rin ng manager ng aktor.

To cut the story short, maayos na natuloy ang event at maganda ang naging resulta. Ang problema, hindi na nabayaran nang buo ang kilalang aktor at nagsumbong sa manager.

“Sabi ko, ‘Wala akong pakialam diyan kasi hindi naman ako ang kausap kundi ikaw,’”  talak ng manager sa kilalang aktor. “E, kung sana nagsabi siya sa akin na huwag na akong kumuha ng komisyon, puwede naman ’yun. madali naman akong kausap. E, nagsolo siya.

“After no’n binitawan ko na. Ayaw ko ng ganu’n. Walang respeto. Nag-sorry naman pero hindi ko na binigyan ng chance.  Kasi ako naniniwala na kapag binigyan mo ng chance, uulitin lang. Ayokong ma-stress. Kikita nga ako, mai-stress naman ako, ’wag na lang.  Mahal magkasakit ’no?” sabi pa ni manager sa amin.

Sa kasalukuyan ay wala kaming nakikitang regular show ng kilalang aktor. Pawang guestings at ang huli niyang teleserye ay 2020 pa natapos gawin pero 2021 na umere.

Wala raw manager ngayon ang kilalang aktor dahil hindi na rin siya naghanap ng iba pa. Kaya siguro wala siyang gaanong project dahil walang naghahanap para sa kanya.

By the way, ang talent fee pala niya ngayong nasa ibang TV network na siya ay wala manlang sa kalahati ng unang TF niya na naisara ng dating manager niya.

Karma chameleon?

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.