Mukhang naayos na ng isang celebrity couple ang di nila pagkakaunawaan kamakailan. Sweet na ulit sila at nagkapaliwanagan na nang maayos.
Ang nangyari kasi, usapan daw kasi ng dalawa na iiwas muna silang gumawa ng pelikula o kaya’y makipag-partner sa iba at magpo-pokus sa personal projects/business nilang dalawa na feeling nila ay lucrative bukod pa sa may creative freedom sila doon.
Kaya naloka nalang si girl nang mag-abroad lang siya sandali para sa isang raket ay bigla nalang sumambulat sa social media na nagpe-presscon si guy para sa isang project.
As in clueless si girl na may ganoong ganap ang dyowa niya. She was the last to know gayong lagi naman silang magka-usap ni dyowa. Feeling left out kumbaga.
Ang paliwanag diumano ni guy, he also didn’t know about it. Hindi daw nito alam na may presscon, akala daw umano nito ay meeting lang ang pupuntahan niya. At may tinuturo diumanong iba na siyang may kagagawan kung bakit siya nandoon sa event na yon.
Talak daw si girl pag-uwi ng Pinas at mukang hindi niya binili ang alibi ni guy. And to pacify the girl, nag-tweet ng sweet something si Boy patungkol kay girl.
Pero safe naman si girl na hindi liliko ang tingin si boy sa bago nitong kapareha dahil taken na pala si new girlak ng isang powerful na tao.
So, there.
MORE PIKABOO:
Promising male talent, tumanggi sa isang magandang role para lang maka-iwas sa lead male talent
Singer-politician, nabigo ang pag-epal
Aktres na madalas ma-link sa mga pulitiko, may bagong politician na minamataan?
Aktres, tinanggihan ni aktor; second choice, nabuntis