Laspag na joint savings, last straw ni aktres para matauhan at hiwalayan na ang malasadong boyfriend

Laspag na joint savings, last straw ni aktres para matauhan at hiwalayan na ang malasadong boyfriend

Maka-ilang beses na palang nahuli ng isang aktres na nambababae ang kanyang live-in partner. In fact, may sinugod na ito minsan sa set ng isang show kung saan regular ang kanyang dyowa.

Pero hindi pa rin daw nasawata ang di naman hunky pero malakas ang appeal na aktor.

Pero ang last straw para kay aktres para matauhan at finally ay hiwalayan na ang kinakasama ay nang madiskubre niyang halos simot na pala ang kanilang joint savings na inilalaan nila supposedly for some very specific future needs.

Hindi pa man sila kasal, feeling conjugal na si aktor kung gumastos ng pera nila. Buti daw sana kung siya ang ginastusan.

Feeling ni girl, nagamit ni aktor ang pera sa pagpapalipad-hangin sa mga nilalandi nitong babae. May ganoon daw kasing style si aktor.

Noon lang niya napagtanto na makapal pala talaga ang mukha ng lalaking minahal niya.

Sising-sisi ngayon si girl kung bakit hindi nakinig sa mga kamag-anak at kaibigan na tutol noon sa pakikipag-relasyon niya sa aktor.

Aware kasi ang mga ito sa reputasyon nito. Aware din naman si aktres. Kaya lang, dahil na-in love, ang feeling ni aktres ay siya ang hulog ng langit na magpapabago sa ugali ni aktor. Akala niya, sapat na ang ganda at bait niya para tuluyang talikuran ni aktor ang kanyang old ways.

Nabigo si girl.

Lumalabas na biktima rin siya gaya ng ibang babaeng nagdaan sa buhay ng aktor. Dinedma niya ang mga red flags.

Pero kahit nasisisi, nagpapasalamat na rin si aktres na hindi sila nakasal. Otherwise ay mas naging masalimuot pa ang kanilang hiwalayan.

Hindi na rin isinapubliko ng aktres ang mga naganap bilang may kasalanan din naman siya sa pangyayari. Masyado siyang nagpaka-engot, that is.

Lista nalang sa tubig ang na-getlak na pera ni aktor sa savings nila. Di na siya aasang magkukusa si aktor na ibalik yon. Start all over nalang ang drama ni aktres and her friends are hoping na next time na ma-in love ang aktres ay sa matinong lalaki na sana.

Malapit na kasing kumota sa kamalasan sa pag-ibig si girl.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.