Malamyang female TV host, na-threaten mapalitan matapos ma-memo-han ng mga boss

Pati ang pakikitungo raw ni female TV host sa mga guests nila sa show ay nag-iba na rin. Kung noon daw ay parang dedma ito at di man lang nag-e-effort na kilalanin ang kanilang guests, ngayon ay sinasaulo na niya ang mga pangalan ng mga ito bago pa man sumalang.

Illustration: Katrina Jamilano

Pati ang pakikitungo raw ni female TV host sa mga guests nila sa show ay nag-iba na rin. Kung noon daw ay parang dedma ito at di man lang nag-e-effort na kilalanin ang kanilang guests, ngayon ay sinasaulo na niya ang mga pangalan ng mga ito bago pa man sumalang.

Natakot palang matsugi sa kanyang show ang female TV host na ito kaya biglang nagbago ito ng kilos niya at nagkaroon siya ng mataas na energy.

Pinadalhan pala ng memo ang female TV host na kung hindi siya magbabago ng style niya na malamyang pag-host, may posibilidad na tanggalin siya at palitan siya ng iba.

Noong una raw ay parang hindi naniwala si TV host sa memo, pero noong magkaroon daw bigla ng guest host ang show, doon na raw siya namulat sa katotohanan na puwede siyang palitan agad.

Kuwento pa ng aming source: "Ito rin naman kasing si TV host, pa-easy-easy lang. Parang 'di nag-e-effort. Akala niya madadaan lahat sa ganda. Oo at maganda siya sa TV, pero hindi lang iyon ang puwedeng hanapin ng mga televiewers. Gusto nila ngayon ay 'yung nanggugulat ka na kaya mo palang gawin ang ganitong bagay-bagay. Hindi na sapat na ganda lang, teh!"

Pati ang pakikitungo raw ni TV host sa mga guests nila sa show ay nag-iba na rin. Kung noon daw ay parang dedma ito at di man lang nag-e-effort na kilalanin ang kanilang guests, ngayon ay sinasaulo na niya ang mga pangalan ng mga ito bago pa man sumalang.

"Kailangan talaga ay tinatakot mo ang isang tao para magbago, di ba? Naging effective kay TV host 'yung natakot siya. Hindi na siya kampante ngayon. Bago siya sumalang inaalam niya kung sino ang mga nakakasama niya. Hindi na niya inaasa sa katabi kung ano ang names ng mga ito. Malaking improvement iyon sa kanya kaya sana consistent siya," sey pa ng source namin.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Aktor, mahiwaga ang pagka-moody

Celebrity couple, tahimik na naghiwalay ng landas last year

Supporting actor na nagde-demand ng special treatment, nasopla

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.