Male singer, nagbantang mag-walk out nang matapakan ang mamahaling sapatos

Male singer, nagbantang mag-walk out nang matapakan ang mamahaling sapatos

Dahil lang sa sapatos ay muntik na raw nag-walkout ang isang male singer.

Naganap daw ang muntikang walk-out ng male singer sa TV special para sa isang shopping app.

Kuwento ng aming source, bigla na lang daw sumigaw at nagmura ang male singer habang nasa studio ito for technical rehearsal.

Ang sanhi nang pagpi-freak out ni male singer ay may aksidenteng nakaapak sa sapatos niyang mamahalin.

Dahil sa insidenteng iyon, napilitang tumigil sa tech rehearsal ang lahat dahil sa sapatos issue ng male singer.

Hindi naman daw sinasadyang matapakan ng production staff ang sapatos ni male singer dahil hindi niya alam na nasa likod niya ito.

Dahil naka-face mask at face shield, di naramdaman ng staff na may tao sa likod niya. 

“Promise, di ko alam na nasa likod ko siya. Kaya nu’ng umatras ako, natapakan ko ’yong sapatos niya. Bakit naman kasi malapit siya sa likod ko, e, dapat nag-social distancing siya sa akin. ’Tsaka may sarili silang area ng mga performers, bakit siya nasa likuran ko in the first place,” paliwanag ng staff sa aming source.

Bago at designer brand pa naman daw ang shoes ni male singer kaya ito nagwala at nagbantang mag-walkout.

Pero di natuloy ang walkout drama ni male singer dahil tinalakan daw ito ng handler niya.

Sey ng aming source: “Tinalakan siya ng handler niya kasi nga nakakahiya ’yong inasal niya. Dahil lang sa sapatos ay natigil ang rehearsal at nagbanta pang mag-walkout? Bakit daw kasi suot nito ang mamahaling sapatos sa tech rehearsal? Iku-close up daw ba ’yung sapatos niya sa show mismo? Care naman daw ng tao kung designer brand ’yong sapatos niya? Hindi naman daw ipa-flash sa TV na Louis Vuitton ang suot niyang sapatos.”

Tungkol sa bantang walkout, hindi raw mangyayari iyon dahil may kontrata silang pinirmahan at madedemanda si male singer kung tinuloy nito ang walkout niya.

Sey pa raw ng handler kay male singer: “Pasalamat ka at may kinikita ka ngayon. Ilang buwan kang walang work tapos mapupurnada pa dahil lang may umapak sa sapatos mo? Ipukpok ko pa yang sapatos sa ulo mo para natauhan ka!”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.