Tila on the rocks ang relasyon ngayon ng isang magaling na young aktres at ng kanyang non-showbiz boyfriend. Dahilan para pagbuhusan niya ng panahon at atensyon ang isang semi-sikat na young actor na leading man niya sa isang pelikula.
Sa shooting kasi ng pelikula nila kamakailan, na-pack up na raw ng alas-siyete ng gabi ang shoot dahil tapos na ang mga kailangang eksena for the day. Pero nagpa-iwan pa raw si magaling na young actress at si semi-sikat young actor at nagtsikahan ng hanggang alas-dos ng madaling araw. Kasabay na nilang umuwi ang mga nagligpit na crew.
Kung maaga natapos, hindi daw kaya moment na iyon ng magaling na young actress para mag-spend ng oras sa boyfriend nito?
Gayundin naman si semi-sikat young actor. Bagama’t may reputasyon chickboy, boyfriend siya ngayon ng isang mas sikat sa kanyang young actress. Kung maaga natapos si semi-sikat young actor sa shoot, pagkakataon na yon para makagawa siya ng something special for his girlfriend. Sa busy ng schedules ng mga artista, ang mga early pack-up ng mga shooting ay parang bonus para magka-oras sila sa kani-kanilang personal lives.
Pero sa pagkakataong ito, mas pinili ng dalawang may ka-relasyong ito na gugulin ang oras para sa isa’t isa.
Sabagay, may excuse naman si semi-sikat na young actor. Hindi naman kasi siya p’wedeng bumisita sa set ng kanyang mas sikat na girlfriend dahil up to now ay bawal pa silang umamin dahil may ka-loveteam na click sa fans ang GF niya.
May nagsasabi na baka naman kinikilala lang nila nang husto ang isa’t isa dahil first time nilang magkaka-trabaho sa isang project. Baka may nasabi rin sa kanila na they have to work on their chemistry dahil at this point ay marami ang nagta-taas ng kilay sa desisyung pagtambalin sila on-screen.
MORE PIKABOO:
Promising male talent, tumanggi sa isang magandang role para lang maka-iwas sa lead male talent
Singer-politician, nabigo ang pag-epal
Aktres na madalas ma-link sa mga pulitiko, may bagong politician na minamataan?
Aktres, tinanggihan ni aktor; second choice, nabuntis