Mga BONA—mga obsessed at nagpapa-alipin sa pag-ibig—naglipana pa rin sa showbiz

Timeless ang pelikulang Bona ni Lino Brocka na about obsessive love, idol worship, and unrequited feelings. 'Yung tipo ng pagmamahal na ibibigay lahat at walang ititira sa sarili. Sa showbiz, marami pa ring ganyan.

Illustration: Sych Ancheta

Timeless ang pelikulang Bona ni Lino Brocka na about obsessive love, idol worship, and unrequited feelings. 'Yung tipo ng pagmamahal na ibibigay lahat at walang ititira sa sarili. Sa showbiz, marami pa ring ganyan.

Napapanahon ang pikaboo natin. Nagdiriwang ngayon ng 70th birthday ang nag-iisang Superstar at ngayo’y National Artist for Film na si Nora Aunor. Ginugunita rin ang 32nd death anniversary ng direktor at National Artist din na si Lino Brocka. Ipinalabas ang first 20 minutes ng restored version ng pelikula nilang Bona sa Marche Du Film ng Cannes Film Festival 2023.

Gumawa ng ingay ang pelikulang Bona noong Dekada 80. Ito ay tungkol sa isang babaeng na-obsess sa kanyang iniidolong male starlet. Buong husay na ginampanan ng superstar at ngayo’y National Artist for Film na si Nora Aunor ang karakter ni Bona, na nagmahal, nagpakabaliw at nagpa-alipin sa kanyang iniidolong starlet na binigyang buhay naman ni Phillip Salvador.

Timeless ang pelikulang ito ni Brocka about obsessive love, idol worship, and unrequited feelings. 'Yung tipo ng pagmamahal na ibibigay lahat at walang ititira sa sarili.

Hanggang ngayon ay nangyayari pa rin ito. Sa mundo na showbiz, lalo na, naglipana pa rin ang mga "Bona" —beking Bona, that is. Ang kaibahan lang sa Bona sa pelikula, ang mga modern-day Bonas sa showbiz ay may nahihita naman.

Ang ating Bona No. 1 ay nasa linya ng movie production. Matagal-tagal na rin s'ya sa kanyang trabaho at kliyente niya ang mga baguhang investors at financiers ng mga pelikula. Dahil dito, nailuklok niya sa pedestal ang isang aktor na nagmula sa mga male pageants.  

Nu'ng nakilala at natipuhan ni Bona No.1 si dating sexy starlet actor ay hindi na n'ya ito tinantanan. Kahit pirmado si aktor sa isang malaking production outfit noon bilang miyembro ng isang sexy male group ay plinano na ni Bona No. 1 na alagaan at gagawin niya ang lahat para sumikat ito at sa gayon ay mapasa-kanya ito.

Nagtagumpay naman Bona No. 1. Ginamit lahat ng koneksyon, para unti-unting makilala ang aktor na wagas n'yang iniibig.

Ngayon ay pamilyado na ang aktor at may mga negosyo na sa kanilang lalawigan. Pero hindi pa rin niya inaalis sa buhay niya ang kanyang Bona dahil to naman ang naging tulay ng pagiging natagumpay niya.

Pero wais si Bona No. 1 dahil may reserba s'yang alaga na dating sumali sa isang reality show pero hindi naman sumikat. Sa piling niya, dumarami na rin ang proyekto nitong si reserba n'ya dahil sa mga koneksyon n'ya. Ibig sabihin, ginagamit ni Bona No. 1 ang kanyang utak sa mga lalake. Aware naman si Bona No. 1 na hindi siya kagandahan kaya ang ginamit n'ya ay ang kanyang influence na matagal naman n'yang trinabaho.

Ang Second Bona naman ay manager ng isang singer-actor na produkto ng isang patimpalak.  Tulad ni Bona No.1, salat din si Bona No.2 sa ganda kaya ang armas niya ay ang kanyang utak at abilidad.  

Ang layo na ng narating ng kanyang alaga, both in the metaphorical and literal sense, dahil sa mga galawan ni Bona No.2, na kilala ring patola sa mga faux awards, na usung-uso sa mga panahong ito.

In fairness, mahusay naman si singer-actor kaya hindi nahihirapan si Second Bona na hanapan s'ya ng mga projects. Pikit-mata na lang ang singer-actor lalo pa't feeling wifey daw itong si Bona No.2 at feeling nito ay anak nila ang kanilang mga alagang aso.

Si Bona No. 3 naman ay isang middle-aged director na madami na rin namang napatunayan. 'Yon nga lang ay may reputasyon siya bilang malasado sa kaperahan. But that's not our story.

Nu'ng kasagsagan ng pandemic, nakilala ni Bona No. 3 si boylet. Batid ni Bona No. 3 na may anak na ang apple of his eyes n'yang starlet pero hindi naging hadlang ito para ma-convince n'yang sa kanya tumira si starlet boylet.

Kasali sa lahat ng projects ni Bona No. 3 starlet boylet. I  fairness, swabe ang naging atake niya para maging aktor ito. Una, may tinanggal s'ya sa kanyang production team para maipasok itong si boylet as apprentice kuno hanggang sa naging assistant na n'ya.

Kalaunan, gagawa s'ya ng mga new characters pag nagsimula na ang shoot para maging instant actor ang boylet starlet kaya doble and s'weldo nito bukod pa sa allowance and all-expenses paid na bagong lifestyle ni starlet boylet sa piling niya.

Aba'y kalaunan, bida na si starlet boylet sa pelikula niya kahit in-experienced pa ito sa pag-arte. Bilis asenso, kumbaga.

At sila ang ilan sa mga bona fide Bona ng makabagong panahon.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Bagets na olats sa talent, lead actor na dahil sa yayamaning madir

Barakong aktor, willing magpa-book kay galanteng beki kapalit ng milyoneseseseseses

Ma-appeal na aktor, "digital" na ang pambababae

"Dakilang" TV hunk, napilitang mag-adult diaper sa isang live guesting nang walang magkasyang underwear na pamalit sa nadumihan niya

Aktres na napasarap ang kain during a vacation, nawarakan ng costume sa taping

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.