Move over stage moms, stage daddies na ang uso

Move over stage moms, stage daddies na ang uso

Kung dati ay mga nanay ang naka-tutok at nakabantay sa mga careers ng mga anak nilang nag-aartista, iba na pala ngayon dahil mga tatay na ang uso. Stage fathers kumbaga.  Pero sa showbiz kasi, pag sinabing stage dad or stage mom, negative agad ang connotation dahil karaniwang ibig sabihin ay mahihilig itong mangialam at reklamador.

Si stage dad No.1 ang namamahala sa career ng anak na lalaking may ka-loveteam sa isang major network. Hirap ang network management sa setup dahil hindi sila basta makapag-plataporma ng mga activities para kay male young star dahil lahat daw ay binubusisi ni stage father to the point na ultimo postings sa social media ng ka-loveteam na babae ay tila gusto nitong rendahan. Naloloka rin ang network management na bawat kilos ni bagets ay may katapat na presyo gayong nasa stage palang ito na unti-unting inilalapit sa publiko. 

Galing kasi sa kilalang pamilya si male bagets at may following na ito. Pero hindi naman daw sapat iyon para ma-sustain ang following lalo’t napaka-volatile ng mga fans ngayon.

Naloloka rin ang mga taga-network na bawat galaw—ultimo simpleng lambing ng video greetings na karaniwan na ngayon sa mga artista—ay kailangan idaan pa kay stage father. Ni-rule out nalang ng network management na never na isasalang ang bagets sa mga konting pakikisamang gestures na ganoon.

Si stage dad No.2 naman, gaya ni stage dad No. 1, ay mahilig ding mag-presyo sa anumang gagawin ng anak. Natural lang sana iyon dahil iyon talaga ang trabaho ng isang manager. Nato-turn off lang ang ilan dahil sa pagiging “negosyante” nito pagdating sa anak. 

Ipinag-alukan daw nito minsan sa isang TV network ang isang special event ng pamilya nila para bilhin at gawing TV special. Hindi raw kinagat ng management ng network dahil alam nilang lugi sila sa transakyon lalo pa’t hindi naman na nagiging exclusive ang mga events sa ngayon gawa ng social media. 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.