Nag-resurface na social media account na aktor, nawala ulit nang may mangingil ng utang sa kanya

Hina-hunting pa rin ang aktor na ito na malaki ang mga naiwang utang sa maraming tao.
       Biglang nag-disappear sa social media noong nakaraang taon ang aktor dahil marami ang nagsampa ng reklamo sa kanya na may kinalaman sa malalaking halaga na pera.

Illustration: Sych Ancheta

Hina-hunting pa rin ang aktor na ito na malaki ang mga naiwang utang sa maraming tao.
 Biglang nag-disappear sa social media noong nakaraang taon ang aktor dahil marami ang nagsampa ng reklamo sa kanya na may kinalaman sa malalaking halaga na pera.

Hina-hunting pa rin ang aktor na ito na malaki ang mga naiwang utang sa maraming tao.

Biglang nag-disappear sa social media noong nakaraang taon ang aktor dahil marami ang nagsampa ng reklamo sa kanya na may kinalaman sa malalaking halaga na pera. 

Mahilig pa naman mag-post noon ang aktor ng mga mamahaling gamit nito sa kanyang Instagram, pati na ang pagbiyahe nila ng kanyang girlfriend sa kunsaan-saan. Yun pala ay marami nang naghahabol sa kanya dahil sa mga patung-patong nitong mga utang.

Mag-iisang taon na ngang MIA (Missing In Action) ang aktor nang biglang lumitaw ulit ang account niya sa social media. May updated na photo ito at feeling niya yata ay hindi na siya pinaghahanap ng mga pinagkaka-utangan niya ng pera.

Isang TC (Talent Coordinator) ang nakita ulit ang account niya at nag-DM (Direct Message) ito sa aktor at nagtatanong kung puwede itong mag-guest sa kanilang show. Sumagot naman daw ang aktor na "send me the details" na ginawa naman ng TC.

Kuwento ng TC: “Heto na nga, so noong makita ulit ’yung account niya, tinanong ko kung puwede ba siya kasi tama lang siya du’n sa isang isu-shoot namin na episode tungkol sa mga sexy daddy.

“Noong ma-mention ko siya sa isang writer namin, kilala pala niya ang isang taong pinagkakautangan ng aktor na ito. E, umabot na raw sa libo-libong piso ang utang nito sa friend niya na financier sa isang casino. Kaya tsinek niya ’yung account at noong makita niyang active na, sinabi na niya sa friend niya.

“Ayun, nagpadala ng message tungkol sa mga utang nito. Noong i-follow ko the next day si aktor, aba, nag-disappear na ang account niya. As in, wala na naman ulit. Nagtago na naman dahil sa mga utang niya."

Marami ang nagulat sa pagbabago ng buhay ng aktor simula noong makahawak ito ng milyones na pera dahil sa dati niyang pinagtatrabahuan na marketing business. Pati raw kasi doon ay gumawa siya ng milagro kaya tsinugi siya ng kanilang boss. 

Dagdag na kuwento ng TC: "Siguro nagsawa na siya sa matronang sinisipingan niya noon. Ilang taon din daw siya inalagaan at nilawayan ng matronang iyon. Kaya nagsisimula pa lang siya sa showbiz, may sarili na siyang condo unit at sasakyan na SUV.

“Noong makahanap na siya ng ibang pagkakakitaan, iniwan na niya ang matrona dahil mas malaki ang nahuhuthot niya sa pinasukan na kumpanya. Kaso, sumobra yata ang kumpiyansa niya sa sarili. Sobra siya mag-flaunt ng bagong lifestyle niya kaya inimbestigahan siya ng kumpanya. Ayon tsugi siya at ngayon nagtatago pa."

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Grand entrance gimmick ng isang aktor sa isang event, napurnada

Aktres, nagpalobo ng asking price; G na G o ayaw magtrabaho?

Young actress na na-late sa taping, pinagsabihan ng senior co-actor na mag-sorry sa lahat nang pinaghintay niya

Aktor, wagi sa kanyang sex-toy business

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.