Netizens, turned off sa aktor na malinis sa katawan pero dugyot ang pamumuhay

Netizens, turned off sa aktor na malinis sa katawan pero dugyot ang pamumuhay

Inokray ng netizens ang ilang mirror selfies na pinost ng model-turned-actor sa Instagram kamakailan.

Galing sa kanyang workout ang aktor at kahit pawisan ay nag-mirror selfie ito para ipagmalaki ang kanyang six-pack abs sa followers niya sa social media.

Hindi naman katawan ng aktor ang napansin ng netizens kundi ang kanyang marumi at magulong kuwarto na kitang-kita sa kanyang mirror selfies.

Napansin sa mirror selfie ng aktor ang nakakalat na mga sapatos nito sa sahig at mukhang wala itong shoe rack para i-organize ang mga ito.

Napansin din ang kama ng aktor na walang bedsheet at kung anu-anong mga gamit ang nakakalat sa ibabaw ng kama. May laptop, mga plastic bags, mga papel, at may isang pizza box.

Nakita rin ng netizens ang mga nakasabit na tuwalya, t-shirt, shorts, boxer shorts, at pantalon sa silya, kama, at headboard ng kama.

Para raw napakasalaula ng aktor na ito, e, ang guwapo’t makinis pa naman daw ang kutis nito. ‘Yung kuwarto raw nito ay parang bodega at kulang na lang daw sa selfie shots niya ay mga ahas, ipis, at daga.

May nag-comment na may time mag-workout at mag-selfie, pero wala itong time na ayusin muna ang kuwarto niya para mukha naman daw malinis at hindi dukyutin ang background nito. 

May isang nag-comment naman na obvious na lalakeng-lalake ang naturang model dahil wala itong pakialam kung magulo ang kanyang kuwarto. Typical daw ito na lalake na masipag pumorma, pero tamad maglinis ng kuwarto niya.

Dahil sa mga okray na comments, deleted na ang mga selfies sa IG ng aktor.

Kaya lesson ito sa mga mahilig mag-selfie sa kanilang sariling kuwarto. Siguraduhin na malinis ang background bago mag-selfie para hindi ma-okray at matawag na salaula.

 

YOU MAY ALSO LIKE:
Dalawang aktor na “Babe” ang tawagan, na-barangay dahil sa pagpapa-party

Busy sa raket na aktres, binantaang sasaksakin ng selosong mister

Comedian-TV host, may kakaibang amoy?

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.