Newbie actor, pina-asa ng kapareha; pero sa iba sumama?

Newbie actor, pina-asa ng kapareha; pero sa iba sumama?

Nalabuan ang isang newbie sexy actor sa newbie ding sexy actress na nakatambal niya sa isang pelikula kamakailan.

Super cozy na kasi sila habang ginagawa ang movie nila at naging very open sila sa press na constant silang magka-usap kahit tapos na ang pelikula.

Ayon sa amin source, nagpo-fall na si newbie sexy actor at akala niya ay mutual ang feelings nila dahil umabot na sila sa point na magka-text sila gabi-gabi bago matulog.

Pero makalipas lang ang ilang linggo matapos mag-stream ang kanilang pelikula ay naiba na raw ang scenario.

Bigla nalang daw hindi na nagte-text kay newbie sexy actor si newbie sexy actress. Deadma na rin daw sa pagsagot sa mga texts nito.

Kuwento ng taong malapit kay sexy newbie actor, feeling na-budol ito.

“Naguluhan lang siya. Biglang nawalan ng communication. Hindi niya alam bakit. ’Yun pala me iba.”

Si sexy newbie actor daw ang “last to know” na may dyowa na pala si sexy newbie actress na isa ring aktor.

Ayon naman sa isa pang source na malapit naman sa aktor na boyfriend ngayon ni newbie sexy actress, hindi niya masisi ang aktres kung bakit nag-fall sa kaibigan niya. Likas na mabait at masikaso raw kasi ito.

“Ang sweet nila, nakakainggit,” say pa ng aming source sa kampo ni boyfriend. “Kaya siguro madaling na-in love si girl kasi sobrang asikaso siya. Saka mabait naman talaga itong kaibigan namin ’no. Kaya ang suwerte ni girl.”

In fairness, mabait din naman si newbie sexy actor, kaya lang ay nasingitan pala siya nang walang kamalay-malay.

Charge to experience nalang daw nito ang naranasang pagpapa-fall sa kanya, pag-iingay para sa movie, at pang-iiwan sa kanya sa ere sa bandang huli.

Ang payo naman ng taong malapit kay newbie sexy actor, asikasuhin muna nito ang umuusbong na career para pag handa na siyang magmahal o magka-girlfriend ay stable na siya sa karera niya at may ipon na.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.