Newbie actress, nabistong nagpapasok ng boyfriend sa lock-in taping; character sa show, “pinapa-patay na” ng mga bossing

Newbie actress, nabistong nagpapasok ng boyfriend sa lock-in taping; character sa show, “pinapa-patay na” ng mga bossing

Binigyan ng disciplinary action ang isang baguhang aktres dahil sa ginawa nitong paglabag sa safety and health protocol sa lock-in taping.

Ayon sa aming reliable source, palihim na pinapapasok ng aktres ang kanyang boyfriend sa hotel room nito sa resort kunsaan may lock-in taping sila.

Kung bakit hindi raw nasisita ang boyfriend nito sa pagpasok sa resort ay dahil nakipagsabwatan daw ito sa isang staff ng hotel para pahiramin siya ng staff uniform.

“Kaya pala nag-request ang babaeng yan ng solo room at ayaw niya na may ka-roommate, e, kinakati pala yan sa hatinggabi,” kuwento ng source.

“Katwiran pa niya na marami siyang gamit at ayaw niyang makaabala ng kasama sa kuwarto. Nataon na may mga bakanteng kuwarto ang resort hotel kaya pinagbigyan siya. ’Yun pala may lahing higad ang babaita na yan!” 

Nabuking ang lalake ng aktres nang makita siya sa CCTV. Dahil naka-uniform kaya nakalusot ito ng ilang beses, pero nung makita sa camera ang mukha niya, di siya kilala ng security at in-alert nila ang hotel security para sundan ito. Nalaman nga na sa kuwarto ito ng aktres nagse-stay ng magdamag.

Pinaalam ito sa production staff at pinagalitan nila ang aktres dahil lumabag ito sa pinirmahan nilang protocols sa lock-in taping. 

“Paano namang di siya tatalakan ng production?

Nag-iingat ang lahat para walang mahawa ng COVID-19 sa mga nasa location. Gumagastos ang network para sa swab test tapos nagpapapasok siya ng lalake sa kuwarto niya. Paano kung positive ’yung boylet niya? E, di nagkalat pa ito ng sakit sa location,” talak pa ng source.

Nakarating sa mga bossing ang ginawa ng aktres at gusto nilang ipatanggal na ito sa teleserye. Ang ginamit daw na utos ay “patayin na ang character niya!”

Hindi ngayon alam ng writers ng show kung paano nila mapapatay ang character nito dahil marami na silang naka-can na episodes. Di naman daw praktikal na mag-reshoot sila ng mga eksena.

Pero may isa pa raw round ng lock-in taping ang teleserye kaya baka doon na nila isulat ang napipintong death scene ng pasaway na aktres.

Kaya payo nila sa aktres na magdasal ito na mapatawad siya sa ginawa niya. Nagsisimula pa lang siya, pero nilagyan na ng taning ang career niya dahil sa kakatihan niya sa boyfriend niya. 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Senior actor and newbie actress, nagka-developan sa lock-in taping

Sexy newbie, iniwasan ng mga male co-stars sa set dahil pinagseselosan ng mga dyowa

Male singer, nagbantang mag-walk out nang matapakan ang mamahaling sapatos

Aktres na malas sa lovelife, pinangangambahang na-“wrong choice” na naman

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.