Newbie singer, magpapa-retoke muna bago i-full blast ang launching

Newbie singer, magpapa-retoke muna bago i-full blast ang launching

Bawal pala munang mag-guest ang winner ng singing contest na ito dahil dadaan ito sa isang madugong operasyon.

Pumayag na ang promising singer na ito na sumailalim sa cosmetic surgery para magkaroon ito ng magandang image, lalo na sa mga nanonood sa TV at maging sa ilang social media platforms.

Sey ng aming source: “Sa panahon ngayon na maraming laitera sa social media, hindi sapat yung talent lang ang pinapakita mo. Talent isn’t enough anymore. Kailangan nakikita ka ring maganda para hindi na napipintasan at inookray ng trolls. 

“Hindi na ito yung era na dedma tayo sa hitsura ng kumakanta sa TV. Itong si singer, winner ang boses pero maraming kailangan ayusin sa kanya physically. Kumbaga sa isang kotse, hindi sapat ang oil change, kailangan ipa-overall siya para gumanda ang andar.”

Hindi na raw issue ngayon ang pagpapa-retoke dahil kasama na ito sa pag-asenso ng career ng mga entertainers, mapa-singer at artista.

“Ang daming retokado sa showbiz. Di totoo yung natural beauty ngayon. Di totoo yung song na I Was Born This Way! Not unless pinanganak kang dyosa at walang kapintasan ang face at katawan mo. Bihira ang mga maganda na may talent. Saksakan ka nga ng ganda, sintunado ka naman at bano umarte. At least kung may talent ka na bongga, bonus na yung magpa-retoke ka. Regalo mo na sa sarili mo yung babakbakin ang caracas mo para gumanda, di ba?” dagdag pa ng aming source.

Since kasama sa premyo ni singer ang beauty and wellness package ng isang beauty clinic, gagamitin na niya ito para gumanda at matigil na ang bashing sa kanya ng mga mapanglait na netizens.

Yun nga lang ilang weeks muna siyang mawawala habang fresh pa ang tahi sa kunsaang parte ng mukha niya. 

Iniisip na lang ni singer ang mga magiging kapalit kapag nag-iba na ang hitsura niya at samahan pa ng magandang boses niya.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Prepaid talent, tinatamad “magbayad”

Tatlong male young stars, paboritong padalhan ng shirtless selfie ng isang male singer

User-friendly na, fake sosyalera pa

Rich girl ang solusyon ni kuya para sa naghihirap na kapatid

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.