Oportunistang aktor, tinalo pati kaibigan

Oportunistang aktor, tinalo pati kaibigan

Matagal nang nangyari ito pero nakaka-kiliti pa ring pag-usapan. In fact, favorite throwback k’wento ito among showbiz circles noong mga panahong nakakapag-get together pa ang mga tao.

 

Sa abroad nangyari ito.

 

Isinama ng isang influencial personality (IP) ang ilang kaibigan niya sa showbiz sa Amerika para magliwaliw. All expenses paid ang biyahe—eroplano, hotel, at may pa-pocket money pa—dahil limpak-limpak ang salapi ni IP.

 

Naging magka-roommate ang isang aktor at isang komedyana sa hotel kung saan sila ibinuk ni IP. No malice dahil magka-ibigan naman sila at koboy naman ang komedyana.

 

Nag-buhay Don si aktor. Gabi-gabing lumalaklak ng mamahaling alak sa kuwarto at pa-room service galore ng prestigious lafang. 

 

Nag-worry si girl sa magiging bill ng kuarto nila. Pero in-assure ni aktor si komedyana na babayaran ni IP ang lahat ng orders nila.

 

Kaso, naging busy si IP dahil may halong business ang US trip niyang iyon kaya walang magbabayad ng mga extra expenses nila. 

 

Come check out time, nawawala si aktor. Hindi na rin ito sumasagot sa tawag ng komedyana. Ang ending, si komedyana ang nagbayad ng lahat ng nilaklak at nilagang ni aktor using her credit card.

 

Back in Manila, na-korner na ni komedyana si aktor pero pinaninidigan pa rin nitong ire-reimburse ni IP ang mga nagastos niya. Siya daw ang bahala. Hanggang sa napagod na si komedyanang mag-follow up.

 

Charged to experience nalang daw.

 

Napatunayan lang first-hand ni komedyana ang bulung-bulungan na may pagka-con artist at oportunista ang aktor. 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.