Pa-divang aktres, tinanggihang i-manage ng isang talent agency

Pa-divang aktres, tinanggihang i-manage ng isang talent agency

Trulili kaya na kaya umalis sa poder ng dating manager niya ang aktres na ito ay dahil wala umanong maibigay na project sa kanya ang manager?

Maraming kuneksyon sa ad agency at sa showbiz ang aktres lalo pa’t nagka-award na siya kaagad noong baguhan palang siya na nasundan pa ng iba’t ibang parangal dahil in fairness ay mahusay ngang umarte ang aktres. 

Pero ang feeling niya ay hindi siya naasikaso nang husto ng dating manager. Matagal daw kasi ang pagitan ng mga projects niya nababantilawan siya. 

Karamihan pa sa mga offers na nakukuha niya ay  dumiretso sa kanya. Pinapasa lang niya sa dating manager niya para sa negosasyon. Pero nagtataka ang aktres kung bakit maraming hindi nasasara sa mga iyon.

Sa pag-i-imbestiga niya, nalaman ng aktres na masyadong mahal magturing ng talent o professional fee ang dating manager kaya umaatras ang karamihan. 

Anyway, sigurista din naman ang aktres dahil bago siya pormal na nagpa-alam sa dating manager ay inilako muna nito ang kanyang sarili. Nakipag-meeting ito sa boss ng isang kilalang talent agency na kilala sa pagratsada sa paghahanap ng projects para sa mga alaga nila. Maganda ang reputasyon ng agency at pati handler ay mababait umano kaya tinarget ni aktres na mapabilang siya sa kuwadra nito. 

Pero tinanggihan ng talent agency ang aktres sa kadahilanang kaibigan nila ang manager na planong iwan ng aktres. Pero may mas malalim na dahilan kung bakit inayawan nila ang aktres, kalat na pala kasi sa showbiz at sa mga ad agencies na may pagka-diva ang aktrres.

“Ayaw na ng mga may-ari ng talent agency ng mga diva-divahan o pasaway na artista dahil sakit sa ulo lang,” say ng aming source. “Lalo na pandemic ngayon...ayaw nilang magpa-stress.” 

Keri lang naman daw kay actress kung tinanggihan man siya dahil nabalitaan nman niyang malaking kumaltas ng komisyon ang talent agency.

Moreover, nakahanap naman ng bagong konek si actress. May kaibigan siyang inirekomenda siya sa isang bagong-tatag na management agency na dahil bago ay agad naman siyang sinunggaban. 

“Kaya tanda mo, biglang nag-announce na ang lola aktres mo na may bago na siyang manager? Nagulat ang lahat,” pagpapapa-alala pa sa amin ng aming source. “Tapos ’yung dating manager niya, hindi na lang kumibo. Pero pag tinatanong ng mga kakilala, sinasabi niya na okay ang paghihiwalay nila ng aktres.” 

Mukhang kuntento naman ang aktres, so far, sa bago niyang talent management dahil agad siyang naikuha ng regular TV show sa isang TV network at kasama pa niya ang isa sa mga prime artists doon.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Aktres na mataas mag-presyo, markado na sa isang producer

Aktor, nagpasama pa sa TV boss para magpa-alam sa nanay ng singer-actress na manliligaw siya sa anak nito

Young actress, nangalawang ang acting matapos mag-hiatus

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.