Pasaway at sinungaling na aktor, tsugi sa isang show

Pasaway at sinungaling na aktor, tsugi sa isang show

Dahil sa hindi mapigilang lumabas ng bahay kaya nawalan ng malaking raket ang pasaway na aktor. Idagdag pa sa pagiging pasaway ng aktor ay ang pagiging sinungaling nito.

Kabilang ang aktor sa magiging guest ng isang monthly TV special. Kaya lahat ng may kinalaman sa show ay dumaan sa mandatory RT-PCR test para maging safe ang lahat. 

Ang isang matinding requirement ng show ay ang three-day quarantine ng lahat bago sila mag-taping ng show. Ibig sabihin hindi puwedeng lumabas para walang maging problema pag dating ng taping day.

Ang nakakapagtaka sa pasaway na aktor ay hindi niya sinunod ang thee-day quarantine at rumampa ito sa isang kilalang mall sa Quezon City.

Kuwento ng aming reliable source: “Akala ng pasaway na 'yan walang makakakita sa kanya. Kitang-kita siya ng isang talent coordinator (TC) ng ibang show na rumarampa sa mall at may bitbit pang aso. May dalawa pa siyang kasamang lalake. Tinawagan tuloy ng TC 'yung TC ng show at tinanong kung hindi na ba tuloy si aktor na mag-guest dahil gumagala ito sa mall?

“Natural na nataranta ang TC dahil may thee-day quarantine ang lahat na nagpa-RT PCR test bago mag-taping. Pinakiusapan na lang ni TC na kunan ng photo ang aktor para may pruweba na nilabag nito ang quarantine rule ng show."

Noong ipinakita ang photo ng aktor sa executive producer (EP) ng show, agad daw pinatawagan sa TC ang handler ng aktor. Gusto nilang magpaliwanag ito sa paglabag sa quarantine rule nila.

Chika pa ng source namin: “Naku, nagsinungaling pa ang hayup na 'yan. Sinabi niya na late post daw 'yung photo niyang ’yon. Jusko, paano magiging late post ay galing ’yung photo sa cellphone ng sa isang TC at kitang-kita siyang gumagala kasama ang aso niya. Kaya nagulat din ang handler ng aktor dahil wala siyang alam sa paglabas nito ng bahay."

Tsinugi na sa lineup ang pasaway na aktor at tumawag ulit ang handler nito at nagpa-abot ng sorry mula sa aktor. Inamin daw ng aktor na kinati raw siyang lumabas dahil kailangan daw niyang ipa-groom ang kanyang aso. Wala raw itong mautusan kaya siya na ang lumabas since malapit lang daw ’yung mall sa bahay nila.

Pero kahit na magmakaawa pa ang handler na pagbigyan ang aktor at matuloy na ang guesting nito, nakakuha na raw ng kapalit ang show at nabigyan na nila ito ng RT-PCR test.

Maging aral daw sana sa aktor na kapag sinabing huwag lalabas, huwag lalabas or else wala kang work!

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.