“Please tigok me, let me go...”

PHOTO: Freevector.com

PHOTO: Freevector.com

Isang beteranang aktres ang suko na sa pagte-teleserye pero ayaw siyang pakawalan ng nasabing teleserye.

Kinakausap daw nito nang palihim diumano ang mga writers ng show at nakikiusap na “patayin” na ang character niya. Tutal naman daw, the character already served its purpose at wala na itong pupuntahan as far as the teleserye’s story is concerned.

Gusto na daw kasing magpahinga ni veteran actress at mag-enjoy-enjoy nalang sa buhay. Tutal ay may sapat naman daw ipon ito. Gusto nalang daw nitong mag-guest paminsan minsan sa mga TV shows para maka-arte pero hindi na para maging regular pa ng isang show na napa-tediuous na trabaho.

Wala namang magawa ang lahat dahil ang mismong makapangyarihang director ng show ang ayaw siyang bitawan. Tila lucky charm ang turing nito sa veteran actress. Makapangyarihan si Direk dahil mismong ang mga boss niya sa network ay tiklop sa kanya. What he wants, he gets. Nagde-deliver kasi ito. In short, mataas naman palagi ang rating ng show.

Hindi rin makapiyok si veteran actress kay powerful director mismo dahil once-upon-a-time ay nag-alok ito ng malaking tulong sa kanya at sa pamilya niya na hindi niya mahindian. Kaso, mahirap itong bayaran ng salapi. In short, may tinatanaw na utang na loob si veteran actress kay Direk.

Ang kaso lang, tila hindi makahalata si Direk na pagod na si veteran actress at gusto nang mag-retire. Isa pa, sa POV naman ni Direk, siya man ay tumatanaw din ng utang na loob kay veteran actress dahil may naitulong din ito sa kanya noong nagsisimula palang siya. Akala ni Direk ay ikinatutuwa ni veteran actress ang pagpapanatili niya dito sa teleserye kaya hindi niya tinatanggal.

In short, nagtatanawan sila ng utang na loob. At dahil no one is raising the concern, this will just go on in a loop.

Paano kaya maso-solusyunan ito gayong ang mga directly concerned ay ayaw maglabasan ng baraha?

MORE PIKABOO:

Celebrity mom, nawindang nang madiskubreng nakapagbukas ng malalaswang pictures sa Internet ang anak na Grade 1

Promising male talent, tumanggi sa isang magandang role para lang maka-iwas sa lead male talent

Singer-politician, nabigo ang pag-epal

Aktres na madalas ma-link sa mga pulitiko, may bagong politician na minamataan?

Aktres, tinanggihan ni aktor; second choice, nabuntis

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.