Isang inactive female star ang topic ngayon ng mga bulung-bulungan na diumano ay ka-affair ng isang very powerful politician.
Hiwalay na sa asawa si inactive female star, habang ceremonial partner nalang diumano ni politician ang kanyang common-law-wife.
Feeling untouchable daw ngayon si girl. At deadma sa mga puna na may kasagwang ma-link siya sa isang mama na twice her age.
Pero ayon sa isang source na kakilala ni powerful politician at hindi raw totoo ang umuugong na balita. Direkta daw kasi niyang tinanong si powerful politician kung totoo ang balita at matigas na “Hindi, ah!” ang naging sagot nito.
“Ang taba-taba no’n!” isnaberong hirit pa raw ni powerful politician na may pagka-bodyshamer pa.
At ayon kay source, totoo naman daw na consistent daw na sa mga payat naa-attract si politician.
Ang siste pa, inisip ni source at ng sirkulo nito na baka si inactive actress lang ang nagpapa-flaunt ng “tsismis” na sila ni politician dahil may gusto siyang paandarang kakilala na may ka-affair din na less powerful politician. Mas mataas kasi ang ranggo kumbaga ni powerful politician kumpara sa pulitikong karelasyon ngayon ng gustong pa-andaran ni inactive actress.
MORE PIKABOO:
“Please tigok me, let me go...”
Promising male talent, tumanggi sa isang magandang role para lang maka-iwas sa lead male talent
Singer-politician, nabigo ang pag-epal
Aktres na madalas ma-link sa mga pulitiko, may bagong politician na minamataan?