Promising male hunk, nag-babu sa showbiz dahil hindi kinaya ang indecent proposal ng isang beki director

Promising male hunk, nag-babu sa showbiz dahil hindi kinaya ang indecent proposal ng isang beki director

Ang indecent proposal daw ng isang beki director ang naging dahilan kung bakit nilisan ng promising male hunk ang showbiz at sa ibang bansa na lang daw ito naghanap ng kanyang kapalaran.

Guwapo at matipuno pa naman ang young actor na ito. Leading man material at may talent pa sa pagkanta. Pero hindi raw nito matanggap na ang pinagkatiwalaan niyang mag-mentor sa kanya sa pagpasok niya sa showbiz ang siyang gustong dyowain siya.

Noong ikuwento ni young actor ang indecent proposal sa kanyang ama, na isang former celebrity din, ang unang tanong nito sa anak ay kung tinanggap ba niya ang offer? Ang sagot ni young actor ay hindi.

Naiyak na lang daw ang ama ni young actor dahil pinagdaanan din daw niya ang maalok ng indecent proposal noong kabataan niya at nagsisimula rin sa showbiz. Pero dahil hindi siya pumatol kaya hindi masyadong lumaki ang name niya di tulad ng ibang kasabayan niya.

Walang pagsisisi ang ama dahil nanatili siyang malinis sa pagpasok at paglabas niya ng showbiz.

Kaya natuwa siya sa naging desisyon ng kanyang anak na huwag tanggapin ang indecent proposal. Nasa tamang edad na raw ito para mamili ng kanyang gagawin at mas pinili nito na iwan na lang ang career sa showbiz para sa ibang bansa na lang hanapin ang kapalaran niya.

No regrets din daw si young actor sa napili niyang desisyon. Mawalan man siya ng career sa showbiz, walang bading na puwedeng mag-claim na nalawayan siya ng mga ito at walang bading ang puwedeng magpatakbo ng buhay niya.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Aktor na na-Covid, nag-panic; natakot sa posibleng gastos sa ospital

Pa-divang aktres, tinanggihang i-manage ng isang talent agency

Aktres na mataas mag-presyo, markado na sa isang producer

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.