Retokadang aktres, obsessed tapalan ng makeup ang mga pinaretoke

Ang malalang obsession daw ni aktres na kailangan parating makapal ang make-up niya ay signs ng pagkakaroon nito ng body dysmorphic disorder. Nasa pakiramdam ni aktres na panget siya kapag walang nakalagay na make-up sa mukha niya. Meron siyang kailangan pagtakpan dahil may insecurities ito sa mukha niya.

Ang malalang obsession daw ni aktres na kailangan parating makapal ang make-up niya ay signs ng pagkakaroon nito ng body dysmorphic disorder. Nasa pakiramdam ni aktres na panget siya kapag walang nakalagay na make-up sa mukha niya. Meron siyang kailangan pagtakpan dahil may insecurities ito sa mukha niya.

Kakambal na raw talaga ng aktres na ito ang kanyang make-up kit. Hindi raw ito makakakilos kapag wala itong ipahid na foundation, eye shadow, mascara at lipstick sa mukha nito. 

Kapag wala raw itong ilagay na makapal na make-up, nanghihina raw ito.

Ito ang ikinalokah ng isang professional make-up artist sa aktres dahil hindi raw healthy ang obsession nito sa make-up.

Kuwento ng makeup artist, marami na raw siyang nakatrabahong actresses na may hilig sa make-up, pero iba raw ang aktres na ito dahil mahihiya raw ang payaso sa kapal nitong mag-make-up.

Sey ng make-up artist: “Kahit na sa Zoom meeting namin for her photoshoot, na-late siyang pumasok sa meeting dahil nag-fully make-up siya. Hindi sapat sa kanya yung press powder lang at magandang ilaw. Kailangan naka-conture ang make-up niya kahit Zoom meeting lang. Gano’n na siya kalala!”

Pero in fairness daw sa aktres, maganda ito kahit walang make-up. Di raw niya maintindihan kung bakit di iyon makita ng aktres sa sarili niya.

“Sa totoo lang, fresh ang beauty niya without make-up. Mas mukha siyang bata. Tumatanda ang hitsura niya dahil sa choice of cosmetics niya. Para sa kanya, the more, the merrier. E, mas ok yung less is more, ‘di ba?”

Ang malalang obsession daw ni aktres na kailangan parating makapal ang make-up niya ay signs ng pagkakaroon nito ng body dysmorphic disorder.

Nasa pakiramdam ni aktres na panget siya kapag walang nakalagay na make-up sa mukha niya. Meron siyang kailangan pagtakpan dahil may insecurities ito sa mukha niya.

Noong nagsisimula raw sa showbiz ang aktres, insecure na raw ito sa looks niya dahil hindi niya gusto ang hugis ng ilong, mata at ang bilugan niyang mukha. 

Kaya nung kumita na ito, ilang beses itong dumaan sa cosmetic surgery para maiba ang dati niyang hitsura at ang make-up ang naging pantakip niya sa mga pinaretoke niya. 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pamilya ng aktres, nagbubunyi dahil nakalaya ito sa toxic na relasyon sa aktor na maraming bagahe sa buhay

Promising male hunk, nag-babu sa showbiz dahil hindi kinaya ang indecent proposal ng isang beki director

Aktor na na-Covid, nag-panic; natakot sa posibleng gastos sa ospital

Pa-divang aktres, tinanggihang i-manage ng isang talent agency

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.