Lihim na kinaiinisan ng mga staff ng isang variety show ang isang bagong-saltang male director.
Hindi daw nila alam kung bakit kinuha itong director ng show gayung tatamad-tamad daw ito.
Sa weekly creative meeting daw ng show, laging late si “Direk” at tila nagpupunta lang daw ito sa meeting para mag-charge ng phone niya.
Asar na asar ang mga taga-variety show dahil halos wala naman daw itong input sa mga meetings at nagkukotkot lang ng phone niya. Wala namang maka-piyok dahil desisyon ng management na kunin siya.
****
Naloka ang isang stunt director sa naging hirit sa kanya ng bidang teleserye aktor.
Nagustuhan pala ni lead actor ang isang action scene na binuo ni stunt director para sa isang actor na naka-hiwalay sa shooting unit ni bida actor.
Nagalit daw si bida aktor ke stunt director dahil bakit daw hindi sa kanya pinagawa ang magandang eksena.
****
Amoy na amoy daw pala ng isang film and TV director na member din ng Team Bahaghari ang isang aktor na nakatrabaho niya kamakailan.
Pero nirerespeto daw ni direk ang pagkukubli pa ng aktor sa ngayon dahil his story is only for him to tell.
Tama naman.
MORE PIKABOO:
Emoterang aktres, napigilang umiyak dahil sa isang pagbati
Bonggang project ni male star, hindi na matutuloy dahil sa pangne-nega ng dyowa