Secret affair ng bagets actor at may boyfriend na aktres, tapos na!

Photo from Google

Photo from Google

BY THE PIKAPIKA TEAM

Nagbubunyi ang pamilya at kampo ni very promising young actor dahil finally ay napahiwalay na nila ang binata sa matagal na nitong kinahuhumalingang dalaga na may edad nang konti sa kanya.

Mula kasi nang magkasama sa isang weekly show ang dalawa ay palihim na silang nagkamabutihan. Lihim dahil una, may karelasyon si babae na isang non-showbiz guy; habang si binatang semi-bagets ay kahihiwalay lang sa ka-loveteam niya na naging GF niya for awhile. Pangalawa, may pagbi-build na ginagawa ang network kung saan naka-kontrata si promising young actor at hindi makakatulong dito ang not-so-bagets nitong secret girlfriend na naligaw lang naman sa kanilang TV station.

Marami-rami na rin within the TV network ang nakaka-amoy sa secret liaison ng dalawa pero ang naging clincher para tuluyang mapahiwalay si promising young actor kay not-so-bagets female star ay nang ma-alarma na ang pamilya niya sa nakarating sa kanilang balita na fishing around na ang original boyfriend ni babae at kinu-confim kung tinu-two-time na naman ba siya ng dyowa niya—(mismo, hindi lang si semi bagets ang napabalitang nahulog sa beauty ni not-so-young female star na ito).

Lahat na nang pagbabanta ay ginawa ng pamilya ni promising actor para lang bumitiw ang tila nagayumang binata at gumising sa katotohanang mali ang ginagawa nito dahil nakakasira ito ng relasyon.

Isa pa ay afraid ang pamilya ni young actor na baka resbakin ang young actor ng tunay ng boyfriend ni babae.

Ayon sa PikaPika source, hunihirit pa ng katwiran si young actor pero sinabihan siya ng pamilya niyang handa silang iwan si young actor at mamuhay ulit ng simple somewhere in Bulacan kesa naman daw mabuhay silang kunsitidor sa mata ng mga nakaka-alam ng ilang buwan na ring secret at illicit affair na ito.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.